Chapter 22: Party Date

1.1K 30 7
                                    

CHAPTER 22

Kalalabas ko lang ng Conference Room ng lumapit ang aking Sekretarya. "May naghahanap po sa inyo na gwapo, matangkad..." Bulong niya. "Boyfriend niyo daw po." Nagsalubong ang aking kilay sa narinig. "Liam daw po yata ang pangalan." Anong ginagawa ng lalaking iyon dito? At anong boyfriend?

"I can confirm, he's not my boyfriend." Madiin kong saad. "Ano daw ang ginagawa niya dito?" Tumigil ako sa paglalakad, kaya ganun din siya.

"May dala po siyang pagkain para sa inyo, sabi ko maghintay na lang po sa opisina ninyo." My eyes roll automatically. Kahit naiirita ay nagmamadali akong bumalik ng aking opisina. Sana naman hindi ako mabuwisit dahil sa lalaking iyon. Patong-patong na nga ang stress ko ngayong araw, huwag na sana niyang dagdagan pa.

"Why are you here, Engineer?" Mataray kong tanong pagbukas ko ng pinto, I even emphasize his title. Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na iyon ang trabaho niya. Likod niya ang bumungad sa akin, nagmamasid ang binata sa kabuuan ng opisina. Nakangisi ito nang humarap siya sa akin.

"CEO?" Parang hindi makapaniwalang wika nito.

"Ikaw nga hindi ko alam na Engineer pala." Huminga ako ng malalim. "What are you doing here? You even told my Secretary that you're my boyfriend." I hiss.

"If I didn't tell her I'm your boyfriend, malamang hindi niya ako papapasukin dito." Inangat niya ang dalawang paperbags. "I brought you foods, by the way. Naisip ko kasi baka busy ka, kaya dinalahan na lang kita kaysa yayain pa kitang kumain sa labas." I roll my eyes. My Secretary is so gullible! Mamaya ay kailangan ko siyang kausapin, hindi dapat siya basta-basta naniniwala sa mga sinasabi ng tao. Paano na lang kung masamang tao pala itong nakapasok sa opisina ko?

Inilabas niya ang mga pagkain mula sa paperbags saka ipinatong sa coffee table. Puro ito Italian dishes. Pagkakita ko sa pagkain ay kumulo na ang tiyan ko, hindi pa nga pala ako nag-aagahan bukod sa isang mug ng kape habang nasa meeting.

"Kumain ka na." Nakangiting utos ni Liam. Nagdadalawang isip akong umupo sa sofa-- sa harapan ng pagkain. "Aalis na ako. Dinala ko lang talaga 'yan para sa'yo. Also, I want to remind you about tomorrow evening. Baka makalimutan mo kasi sa sobrang pagkabusy mo." Oh right! Muntik ko na ngang makalimutan ang tungkol doon. "We reserve a room for you at the hotel. Sunduin na lang kita dito pagkatapos ng trabaho mo papunta doon." Sounds like he really does want me to be his date for the party. Eh ano ba naman ang isang gabi lang? Pagbibigyan ko na siya dahil hindi na ito mauulit.

"I have to go. See you tomorrow."

"Ingat ka." I force a smile. Bago tuluyang lumabas ng pinto ay ngumiti pa siyang muli sa akin. I finish my work for the rest of the day before heading home.

Kinabukasan ay nakipagmeeting muna ako sa ilang investors. Mabuti na lamang ay biyernes na kaya wala akong iisipin na trabaho sa susunod na araw. Being a company's CEO is definitely stressful. Akala ng iba kapag ito ang trabaho mo ay cool ka na, kasi ikaw ang boss. Pero kung alam lang nila kung gaano kahirap ang trabaho, not to mention I'm still quite young for this profession. Mabuti nga ay napi-please ko pa ang board.

Tulad ng plano ay susunduin ako ni Liam dito sa office para pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang event. Dala ko ang susuotin na damit para mamaya na inorder ko noon pa pero hindi ko pa naisuot kahit isang beses.

Isang convertible ang tumigil sa aking harapan habang ako'y naghihintay sa labas ng building. Nakababa ang bubong ng kotse kaya naman kita ko agad ang sakay nito-- si Liam. He is looking handsomely good. Hindi ko naman itatanggi na gwapo talaga siya, lalo na kapag nakangiti siya, mas lalong lumalabas ang kagwapuhan ng binata. I can feel that everyone's looking at us-- especially at him. Biruin mo gwapo na, nakaconvertible pa- para siyang lumabas mula sa isang romantic film.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon