CHAPTER 47
Nagising ako nang maramdaman ang brasong nakapulupot sa aking baywang at mainit na hangin sa aking leeg. Pinalibot ko ang tingin sa paligid saka napagtantong umaga na at nasa loob ako ng kwarto ni Jax. Umikot ako at humarap sa natutulog na si Jaxon. Kung hindi ako nagkakamali ay dito ako sa kanyang penthouse dumiretso kagabi para makipagcelebrate sa kanya pero mukhang nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Gusto kong bumangon upang magluto ng almusal pero mas gusto ko manatili dito sa tabi ng boyfriend ko. Ilang araw din kaming hindi nagkita at bihira magkausap dahil sa abalang schedule kaya naman miss na miss ko na siya. Umusod ako lalo sa kanyang tabi upang gawing unan ang kanyang dibdib hawak nakayakap sa kanyang katawan. I really love this position, I feel secured.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok kaya naman tumingala ako upang tignan kung gising na ba siya. I smile when I see his eyes slightly open.
"Good morning." Bati ko kaya naman bahagya siyang ngumiti. Sa tingin ko ay 'di pa gising ang kanyang diwa. Muli niyang ipinikit ang mga mata.
"I love you." I smile when I hear him mumbling that. Hindi ko alam kung nananaginip pa ba siya o ano. Inayos ko ang aking pwesto upang makaharap ang kanyang mukha.
Bakit ba ang swerte ko? Bukod sa mabait, matalino, may magandang trabaho ay bonus pa ang napaka gwapo niyang mukha. Halos isang taon na kaming magkakilala, walong buwan simula nang i-date ko siya at tatlong buwan simula nang maging official kami pero wala pa rin nagbabago. He's still the same Jax I met almost a year ago. And I really hope nothing would change between us.
Minsan napapaisip ako, paano kung hindi sila naghiwalay ni Liv noon, eh 'di wala sanang pagkakataon na makilala ko siya. Hindi siguro ako ganito kasaya ngayon. Malamang ay baka humahanap pa rin ako ng fuckboy na pwedeng gaguhin.
Gustuhin ko mang manatili sa kama ay kumukulo na talaga ang akin tiyan dahil sa gutom. Bumangon na ako upang magtungo sa kusina.
Dahil hindi naman ako magaling magluto ay basic na waffles lang ang gagawin ko at makapagluto na rin ng bacon. Alam kong hindi masyadong healthy pero hayaan na kaysa naman wala.
Kinuha ko ang mga sangkap na kailangan, pinaghalo ko muna ang dry ingredients sa isang bowl at sa kabila naman ay wet ingredients saka ko pinaghalo ang lahat para makagawa ng batter. Niluluto ko ito gamit ang waffle maker.
Napapitlag ako nang maramdaman ang isang pares ng braso na pumulupot sa aking baywang.
"What are you cooking?" Jaxon asks in a sexy husky voice. Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg.
Shit, kaaga-aga! Gusto kong lumayo sa temptasyon. "Waffles lang. Do you want something else?"
"No. That's fine. Basta luto mo kakainin ko." Sagot niya kaya umikot ang aking mga mata. Humarap ako sa kanya at isinabit ang aking mga braso sa kanyang leeg saka tumingkayad upang halikan siya sa labi.
"Can you stop being sweet because I might get used to it." I smile and look into his beautiful eyes.
"I want you to get used to it." He grins.
"Are you not gonna get tired of being sweet? Are you not gonna get tired of me?"
"Never." He smiles before leaning in for a kiss. Damn it, parang ako hinihipnotismo ng mga ngiting iyan.
Pinutol ko ang halik dahil baka kung saan pa mauwi iyon lalo na ngayon natutukso na naman ako dahil ang tagal naming hindi nagkita. Humiwalay ako sa kanya para pagtuunan ng pansin ang nilulutong waffle.
"Maupo ka na lang, hintayin mo itong niluluto ko." Utos ko na sinunod din naman niya
Natapos akong magluto at tahimik lang kaming kumain. Tapos ay kumuha ako ng wine glass saka ang red wine na binili ko kagabi. Alam ko medyo 'di bagay lalo na't napaka aga pa pero dahil nakatulog ako kagabi ay 'di na kami nakapagcelebrate.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...