CHAPTER 34
Matapos ang ilang oras na biyahe sa eroplano, bus at seaplane ay nakarating din kami sa isla na tutuluyan sa Maldives. Laking gulat ko nang malaman na may sari-sarili kaming water villa. None of us is sharing a Villa except to Jazmin's parents. Ngayon pa lang ay napapaisip na ako, siguradong napakalaki ng gastos nila para sa trip na ito. Lalo na't ang bawat villa ay medyo may kalakihan, it's actually good for a couple. Bawat villa ay may sarili din na pool. Pagdating sa aking villa ay agad ko itong nilibot. Every detail is screaming tropical with a hint of modern. Muli akong lumabas para tignan ang napakaganda at linaw ng tubig ng dagat. I guess coming here is definitely not a bad idea. I smile when I see some fishes under the clear blue water. Ang tumingin sa dagat ay nakakapagparelax sa akin. Tama lang pala na sumama ako dito.
Not sure if I should change to a swimsuit or not. Sa totoo lang ay gusto ko na magpahinga dahil sa pagod sa biyahe pero mas excited ako na magtampisaw sa tubig at magpa-tan. Sa sobrang abala sa trabaho ay lagi lang ako sa loob at hindi naaarawan, kaya naman sobrang puti ko na, pakiramdam ko ay walang glow sa aking balat kundi maputla lang.
"Amethyst!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa pintuan ng aking villa. Nagmamadali kong binuksan ang pinto, ang aking mga kaibigan ay nag-aabang na sa akin. I look at them, they already changed to their swimwear and cover up.
"Ano, 'di ka pa nagpapalit? Bilisan mo, magswimming na tayo!" Excited na saad ni Venice.
"Oo na, saglit lang!" Bumalik ako sa loob tapos ay hinalukay ang bagahe para hanapin ang mga dinala kong swimsuits. Ang tanging problema ko ngayon ay kung ano ba ang aking susuotin. I pick the blue one-piece halter tie waist-defining lattice window swimsuit. Medyo conservative ito kumpara sa ibang swimsuit na dala. I also wear a white crochet swimsuit cover since I know we're having lunch first before hitting the waves.
"Let's go." Sabi ko pagkalabas ng villa. Tanging dala ko lang ay cellphone at sunglasses bilang proteksyon sa mata dahil sobrang init sa isla.
May naka set up na mesa sa dalampasigan kung saan naghihintay na sa amin ang mga magulang ni Jazmin pati na rin ang dalawang kapatid niyang si Jace at Jaxon. They are both wearing a polo shirt and chino shorts, the only difference is that Jaxon's buttons are slightly open. I sigh and roll my eyes. Is he trying to look sexy? Because it is damn working! Kapag nakita 'yan ng dalawang bruha kong kaibigan ay malamang pag-aagawan at haharutin na naman siya. Jax is wearing sunglasses but it's still obvious- at least to me- that he's staring at me.
"Hey, Amethyst! Sit beside me!" Sigaw ni Jace na may ngisi sa labi. Sa kanyang kaliwa ay nakaupo si Jaxon, sa kanan naman ay bakante. Sinamaan ko siya ng tingin pero wala siyang pakialam. "Gusto mo dito ka na lang?" Tumayo siya mula sa kinauupuan upang lumipat sa katabing upuan na kanina ay bakante. Seryoso ba siyang pauupuin niya ako sa tabi ni Jaxon sa harap ng lahat ng kasama namin dito?
"Ako na lang diyan, Jace." Akmang uupo si Scarlett nang harangan siya nito.
"Hindi naman Amethyst ang pangalan mo hindi ba?" May pang-aasar sa tono nito kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Scar pero nginitian lamang niya ang dalaga. "May kailangan kasi akong sabihin kay Amethyst. Business proposal." Palusot niya. Alam ko naman na hindi iyon totoo at gumagawa lang siya ng dahilan para mapaupo ako sa tabi ni Jaxon.
Kahit nagdadalawang isip ay umupo na ako doon. I must admit that I feel awkward sitting beside Jaxon in front of everyone.
"Sige na, maupo na kayong lahat. Alam kong gutom na kayo." Wika ni Tito Carlos, ang ama nila Jazmin. Tumabi si Jazmin sa kanyang ina habang katabi naman niya si Scarlett na ngayon ay katapat ko at sa gilid nito ay si Venice.
"I did you a favor." Bulong ni Jace sa akin kaya inirapan ko siya.
"As if I asked for it. Mas lalo akong 'di makakilos ng ayos sa harapan ninyong lahat." I whisper but Jace laughs, getting the attention of everyone. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Lahat tuloy sila ay nakatingin sa amin, pati si Jaxon.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...