Chapter 43: His Friends

1K 29 11
                                    

CHAPTER 43

Dadalawin ko lang sana si Jaxon sa kanyang opisina pero nakasalubong ko si Jazmin kaya naman imbis na dumiretso sa aking boyfriend ay nagpunta kami ng kaibigan sa isang cafe upang makapag-usap.

"Alam mo ba na ngayong linggo lalabas ang resulta ng paternity test?" Tanong niya sa'kin bago sumubo ng cake. Umiling ako.

"No." I sigh. Hindi rin yata ako handang malaman ang resulta. "Jaz, ang selfish ko ba kung sasabihin kong sana hindi si Jaxon ang ama ng bata?" Tinignan ko siya sa mata.

Bumuga siya ng hangin. "I totally understand. Pakiramdam mo mawawalan ka na ng lugar sa buhay ni kuya? Actually, kahit ako, hinihiling ko na hindi sa kanya 'yun." Pag-aamin niya.

"Di ko lang talaga mapigilan na mag-alala. First time kong mapunta sa ganitong sitwasyon." Minsan na nga lang ako sumeryoso ng lalaki tapos ganito pa.

"Alam ko medyo mahirap mag-adjust sa sitwasyon, pero kung si kuya talaga ang ama, alam ko magiging maayos din ang lahat." She smiles. "But I really hope he isn't his." Bulong niya pero narinig ko pa rin naman.

Sandali kaming natigilan sa pag-uusap nang tumunog ang aking cellphone. It is Jaxon, asking where I am.

"Jaz, your brother is already looking for me. Alam ko kasi may lakad din kami ngayon."

"Ganun ba? Okay, tapos na rin naman tayo. Let's go." Sabay kaming bumalik sa Tower, nagkahiwalay na lang kami ni Jaz dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho at ang kanyang opisina ay nasa mas mababang floor kumpara kay Jax.

Malawak na ngiti ang ibinungad ko sa boyfriend ko nang makapasok ako sa kanyang work space. He beams when he sees me.

"Hi." Bati ko, agad siyang lumapit sa aking para yakapin ako. God, he smells good.

"I missed you." He whispers. I pull away and look up at him.

"Miss? Magkasama lang tayo kahapon." I chuckle.

"Exactly. Kahapon pa 'yun." He grins. "By the way, aalis lang ako saglit para kausapin si mom, then when I get back, we'll go out to meet my friends." Aniya kaya kumunot ang noo ko.

"Your friends?"

"Yes. You haven't met them yet, just Liam. I'll introduce you to the lads." He grins. "Babalik ako kaagad." Paalam niya bago lumabas ng kanyang opisina. Umupo na lang ako sa sofa at inilabas ang cellphone upang malibang. I check my Instagram account and smile when I watch my friend's stories. Ang magaling na si Venice ay umaawra na naman sa beach. Then I scroll down the feed when suddenly I see Liv in the suggestions. Of all accounts, sa kanya pa talaga?

Dahil sa curiosity ay agad kong tinignan ang kanyang account na nakapublic naman. Malimit sa mga pictures ay may katagalan na. Mukhang 'di siya active noong buntis siya siguro ay tinatago niya ang tungkol dito. I stop when I see a picture of her with Jax. Ewan ko ba kung bakit parang may sakit akong nararamdaman dito sa puso ko.

They look happy in the picture. I keep scrolling down and see another picture of them together and just her alone. Ito ay sa isang tourist spot Japan, and if I remember it clearly, ay may picture din si Jaxon sa same spot na iyon. ilang pictures pa ang nakita ko, ang mga ito ay bakasyon sa Paris, ilang lugar sa China at Spain, maging sa Italy at United Kingdom.

Of course, they have a lot of memories together, they were in a relationship for almost a fuckin decade! Pakiramdam ko ay kinakain na naman ako ng pagseselos sa walang kabuluhang bagay.

"C'mon Amethyst, those pictures were from years ago. Ikaw na ang mahal ni Jaxon. Ikaw na ang kasama niya ngayon." I tell myself. Ibinalik ko na lang sa loob ng aking dalang purse ang cellphone. Baka kung ano pa ang makita ko eh lalong madagdagan itong insecurity na nararamdaman ko ngayon. Pero ano naman kung mas matagal pinagsamahan nila? 'Di ba mas importante kung sino ang makakasama mo habang buhay?

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon