Chapter 45: Treacherous

1.1K 33 12
                                    

CHAPTER 45

"Are you excited to spend time with him?" Tanong ko kay Jax na ngayon ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Papunta kami sa bahay ng kanyang mga magulang dahil nandoon ang kanyang anak. Sa pagkakaalam ko ay nagkasundo sila na kapag weekdays ay na kay Liv ang bata at kapag weekends ay sa mga magulang ni Jaxon.

"I don't know." Sagot niya na diretso pa rin sa kalsada ang mga mata. Bahagya siyang sumulyap sa akin. "I need to get used to it."

"Are you still having doubts?" I ask but he just shrugs. "DNA test na mismo ang nagkumpirma, Jax. The child is yours." Paalala ko.

"Are you just really okay with this?" Sumulyap siya sa akin.

"Of course. The kid is yours, alangan naman na pagbawalan kong magkita kayo?" I laugh bitterly. "That baby deserves to spend time with his daddy."

Nang makarating kami sa bahay ng kanyang mga magulang ay agad kaming dumiretso sa hardin kung saan naabutan namin ang kanyang ina na karga ang bata.

"Jax!" Masayang bati ng kanyang ina. "Look, daddy is here." Bakas sa mukha ng ginang ang pagiging masaya hawak ang bata. Tinitigan ko ang bata, dahil sa sikat ng araw ay mas lalong kapansin pansin ang kulay asul nitong mga mata. Maputi at namumula ang mga pisngi nito, para siyang manika. Hindi maipagkakailang mas kamukha nito ang kanyang ina.

"Amethyst, nice to see you." Lumapit sa amin ang ginang tapos ay nakipagbeso kay Jaxon at sa akin. Ngayon ay mas malapit ang bata sa amin, mas nakikita ko ang pagkakahawig nito kay Liv. I smile when the innocent child beams at me.

"Looks like he actually likes you." Nakangiting wika ni tita.

"What's his name?" Tanong ko.

"Wyatt." Sagot ni Jax. "She always likes that name." Paliwanag niya. I guess they always like to name their future kid, Wyatt.

Binalingan ko ang bata. "Hi, Wyatt. You have a nice name." Saad ko dito kaya naman tumawa siya. Bakit ba ang cute ng mga bata? Gusto ko siya panggigilan. Actually, lahat yata ng bata gusto kong panggigilan. "Can I hold him?" Nakangiting tanong ko na halatang ikinabigla ni Jax at kanyang ina.

"S-sure." Sagot ni tita na tila nag-aalangan. Buong ingat na ibinigay niya sa akin ang bata na hindi manlang umiyak nang hawakan ko.

"Hi, how are you?" Tanong ko sa bata na ngayon ay titig sa mukha ko. Sumusubok itong makipag-usap kaya naman napapangiti ako.

"Looks like he likes you." Puna ni tita na malawak ang ngiti sa mga labi.

"Why don't you carry him, babe?" Baling ko kay Jax na halatang gulat sa aking sinabi.

"No. I can't. Hindi ako marunong humawak ng ganyang kaliit na bata." Umiiling niyang sagot.

"C'mon, he's your son." I force a smile and hand him the child but he looks frightened.

"No, Amethyst. I'm gonna drop him." Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"You're not. Just try it." Wika ko pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Jax, if we have a baby in the future, are you not going to hold it?" I chuckle. He looks at me as if thinking. "Just try it." Nakita ko ang paglunok niya kaya napangiti ako. He really is scared. He takes the child from me and by the way he holds him, I can definitely sense he's being careful. "See. Not bad." He smiles at me and to the child.

"I'll just excuse myself, there's something I need to do." Paalam ng ginang. "Just call me when you need anything, okay?" Pareho kaming tumango ni Jax bilang sagot.

"You guys look cute." Pinagmasdan ko sila, nakakatuwa silang tignan. The child is indeed really adorable, nakakatuwa siya pero kapag maaalala kong anak siya ni Jax kay Liv, ewan ko ba hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba dito sa loob ko kaya kung maaari ay ayokong isipin iyon.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon