CHAPTER 4
Nagising ako sa sigaw at katok ng aking yaya sa pinto. Sobrang inaantok pa ako, bakit ba kasi kailangan pang mag-almusal ng magkakasabay? Ang pinaka ayaw ko pa naman ay ang makasabay ang masungit na si Emerald. 'Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako masanay eh simula naman ng ipinanganak ako ay ganito na ang rule sa bahay at ganyan na ang kapatid.
Nagtoothbrush muna ako at naghilamos ng mukha bago bumaba para kumain. Sino pa ba ang dadatnan ko kundi ang mga magulang at ang aking ate na nagsisimula ng kumain ng agahan.
"Morning, Mom. Morning, Dad!" Bati ko sa kanilang dalawa pero syempre ay dedma muli ako sa nakatatandang kapatid. Umupo ako at nagsimula na rin na kumain.
"Emerald, kailan ba pupunta ang Fiancé mo dito for a dinner? Matagal na rin namin hindi nakikita si Greg." Narinig kong tanong ni Mom kay Ate.
"Maybe next week." Matipid niyang sagot sa kalagitnaan ng kanyang pagkain.
"You should invite him immediately. Also, when is your engagement party? We should set a date for it already." Si Dad naman nagsalita.
"Dad, don't ask her about the engagement party. Ask her about the wedding date. Naiinip na 'ko. Just like what Emerald said, masyado nang masikip ang bahay na 'to para sa amin. Someone has to leave." Saad ko habang binibigyan ng nakakainis na tingin ang impakta kong kapatid. Tinitigan naman niya ko agad ng masama. Napangisi na lang ako dahil sa loob-loob ko ay gusto kong tumawa ng malakas, asar talo na naman siya.
"Oh God, Amethyst. Kailan ka ba titigil? Please respect your sister. Baka nakakalimutan mo, mas matanda siya sa'yo." Saway ni Mommy sa'kin.
"Paano ko naman makakalimutan 'yun? 25 lang ako at 31 na siya." I smirk. "And another thing, I was not the one who started it. Ask her. One night, I came home at siya ang sumalubong sa'kin. Sabi niya na mas mabuting wala na ako dito dahil masyado na daw masikip 'tong bahay para sa aming dalawa. So, I told her she should buy herself a house. Sa tanda niyang 'yan imposibleng wala pa siyang naiipon na pera. Well, sabagay, puro shopping lang naman ang gusto niyan." Pang-iinis ko pa lalo. Sabi ko naman sa inyo, kung maldita siya ay mas maldita ako.
"Is that true, Emerald?" Gulat na tanong ni Mom.
"Mom, let me explain. I didn't mean it." Nagpapanic na saad ni Emerald habang binibigyan ako ng side-eye.
"Oh talaga? You didn't mean it? Eh 'yung mga ginawa mo sa'kin noong mga bata pa tayo? How about those? Akala mo ikinaganda mo ang pang-aaway mo sa'kin? Well sorry, but I'm a lot beautiful than you are... and younger." I give her my mean girl look again. Totoo naman na mas maganda ako sa kanya.
Dahil sa aking sinabi ay tuluyan ng sumabog sa galit ang kapatid ko. Ano pa ba ang inaasahan natin sa isang pikon na tulad niya? Tumayo siya at dinuro ang aking mukha. "You shut up! Sumosobra ka na, hindi na ako natutuwa sa'yo!"
"Calm down. Alam mo sobrang pikon ka!" Kalmado kong sagot sa kanya.
"Amethyst/ Emerald!" Pareho kaming natigilan ni Emerald. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami inaawat ng mga magulang namin.
"I lost my appetite!" Nagwalkout si Emerald. Asar talo.
Dahil ako ang natira sa hapag kainan, ako ang sesermunan ng mga mahal kong magulang.
"Amethyst! Wala na bang paraan para magkasundo kayong dalawa?" Tanong ni Mommy.
"Wala na. Tapatin niyo nga ako. Sino ba ang ampon mo sa aming dalawa?" Simula't sapul ay para na kaming aso't pusa. Napailing na lang si Mom dahil sa stress. Marahil ay dahil na rin sa tanong ko. Imposible naman na ako ang ampon dahil maraming nagsasabi na kamukha ko si Mommy at ang iba ay sinasabing kamukha ko daw si Dad. At isa pa, magkamukha rin naman kaming magkapatid. Mas maganda nga lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...