CHAPTER 9
May pagkabaliw ba talaga itong taong 'to? Nakalimutan na niya ang pangalan ko pero ang lakas pa rin ng loob makipag-usap sa'kin. Masyadong feeling close, sipain ko kaya?
And yes, it is him again... the 'Liam' guy.
"Ayos ka rin, ano? Malakas ang loob mong kulitin ako, but you don't even know my name." Pinagkrus ko ang aking dalawang braso sa ibabaw ng dibdib, at binigyan siya ng mataray ng tingin.
"Eh k-kasi... ano... sa tuwing nakikita ko 'yang maganda mong mukha nakakalimutan ko na ang ibang bagay sa paligid ko." He scratches his head, slightly embarrassed. Seriously, though? Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin sa hirit niya, pero sanay na ako sa mga ganyan kaya dapat wala ng epekto.
Inangat ko ang kilay dahil sa narinig. "Ah ganun ba? Okay." Saad ko bago magwalkout. "Huwag na huwag mo akong susundan!" I warn him before getting out of the store. Subukan niya lang na habulin ako, makakatikim talaga siya ng sipa at sapak mula sa'kin. Hindi ako nagbibiro, lalo na't wala ako sa mood sa landian na gusto niya.
Binilisan ko ang aking paglalakad, buti na lang talaga at hindi niya na ako sinundan. Naku, konting konti na lang talaga na kulitin ako ng bwisit na 'yun ay hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya. Baka mangibabaw na naman ang hobby ko na manloko ng lalaki. He should be thankful, because I'm doing everything to spare him from breaking his heart.
Aaminin ko na medyo gusto ko na itigil ang pangloloko ko sa mga lalaki o fuckboys pero sila talaga ang kusang dumadating at nangungulit sa akin, kaya wala na akong magagawa kundi makipaglaro sa kanila.
Nag-ikot na lang muna ulit ako sa mall dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Katulad ng lagi kong rason ay nandoon sa bahay si Emerald, alam niyo naman na ayoko siyang makita dahil tuwing magsasama kami sa iisang lugar ay nagkakaroon ng World War 3.
Hindi pa man din ako nagtatagal sa paglalakad ay nakita ko na naman ang gago. I hiss. Akala ko pa naman nakaligtas na ako sa kanya, eh bakit siya na naman nakita ko dito? Sa pagkakaalam ko ay sobrang laki naman ng mall na ito, hindi ko nga ito kayang ikutin buong araw.
I can see him approaching, but here I am-- someone who doesn't care. Baka kung 'di niyo pa alam ay na-master ko na ang art of deadma. As in kaya ko hindi pansinin ang isang tao ng mahabang panahon lalo na kung galit talaga ako dito.
"Hi, my destiny." Bati niya kaya halos kilabutan ako. Sobrang kadiring pakinggan. "Uy." He grabs my arm. Hindi ko pa rin siya pinapansin, tuloy lamang ako sa paglalakad. Sa pagkakaalam ko kasi hindi 'my destiny' ang pangalan ko.
"Amethyst." Finally, he calls out my name. Naalala niya na? Tumigil ako sa paglalakad upang lingunin siya.
"Akala ko nakalimutan mo na?" Taas kilay kong tanong.
He grins. "Siyempre ako pa, makakalimutan ko ba ang maganda mong pangalan?" Hindi ako kumibo, poker face pa rin. "Pwede bang mahingi na ang number mo? Sige na naman." Pakiusap niya na parang tutang nagpapaawa sa amo. That look on his face reminds me of my dog.
I give him a bakit-ba-ang-kulit-mo glare. "Hindi ko kabisado ang number ko. Try again soon." Nagsimula ulit akong maglakad.
"Sandali!" Again, he stops me. "Siguradong may dala kang cellphone, ise-save ko na lang ang number ko sa contacts mo, tapos itext mo ako." Wow, this guy is so persistent!
Dahil makulit siya bahala na siya sa buhay niya dahil isasama ko siya sa listahan ko. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa Chanel purse ko, hinanap ko muna ang sarili kong numero.
I roll my eyes. "Ok fine." Inabot ko ang cellphone ko sa kanya para makopya niya ito. To be honest, hindi ko talaga kabisado ang number ko. I don't like memorizing it. Para kapag may nagtanong sasabihin ko ay hindi ko kabisado, totoo naman.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...