Chapter 44: Result

1.2K 33 16
                                    

CHAPTER 44

Bumaba ako sa dining area para kumain ng agahan kasabay ang mga magulang. Tahimik akong umupo at kumuha ng ilang pagkain na nakahanda sa mesa. Kahit na ilang buwan nang kasal si Emerald ay tila naninibago pa rin akong wala siya at walang nambubwisit sa akin. Sa ilang taon ba naman na bangayan namin na parang aso't pusa eh 'di ko aakalain na mamimiss ko rin pala iyon.

Tumikhim ako. "Daddy, mommy...What do you think if I move out?" Bungad kong tanong sa kanila kaya pareho silang tumingin sa akin. Si mommy halatang gulat si daddy naman ay naningkit ang mga mata.

"Move out?" Kunot noong tanong ng aking ama.

"Yeah. Move out. I think I'm old enough--"

"You mean move out to move in with your boyfriend?" Putol niya sa sinasabi ko habang nakataas ang isang kilay. Natigilan akong sandali. I feel like he's not happy to hear it.

"Are you sure about this, Amethyst?" Tanong ni mom na ngayon ay salubong na ang mga kilay.

"Uh yes?" I pause and stare at them to see their reactions. "I'm twenty-six, I think I'm old enough."

"Amethyst, your sister didn't move out 'til she got married." Dagdag ng ina.

"Emerald and I are two different people, mom." I sigh. "Well, I just asked anyway. It's not like I'm going to insist it." Ibinalik ako ang focus sa kinakain kong bacon.

"Fine. Do whatever you want. You're old enough." Nag-angat ako ng tingin kay daddy. I'm not expecting to hear it from him. "I trust that guy anyway." Nanlalaki ang matang tinitigan ko siya. He really does look like he's all fine with it. 'Yung kunot sa noo niya kanina ay wala na ngayon.

"T-that's it? Okay na sa'yo?" Tumingin ako kay mom. "How about you, mom?"

"You're matured and have a stable career, so fine do whatever your heart desires." Sagot niya.

"Wait. Really?" I ask in disbelief. I'm honestly not expecting this to go like this. Pero ang dali naman pala nilang kausap.

"You know what, living together is actually not a bad idea. That's a better way to know your partner before you decide to marry him. Kaysa naman magpakasal ka tapos saka mo lang malalaman kung anong klase ng tao pala sila kung kailan nakatali ka na sa kanya."

"Just make sure you don't get pregnant out of wedlock." Dagdag ni daddy.

I scoff. "Dad!"

"You plan on living with your boyfriend. And what? Sleep on the same bed, you think I expect you to just literally sleep with him? C'mon young lady, I knew these things before you even learned."

I roll my eyes. "Don't worry, I was just asking."

Pagkatapos kumain ay agad akong bumalik sa aking kwarto para mag-ayos. May lakad kasi kaming magkakaibigan ngayong araw. Kasalukuyan akong nasa walk-in-closet nang sumunod sa aking ang dalawa kong babies. Pareho silang nasa paanan ko at paikot-ikot.

"You guys want to come with me?" Lumuhod ako para himasin silang pareho. They are both clingy that's why I plan to bring them with me. Saka sinasamantala ko rin habang medyo maliit pa si Snow. "Both of you can come with me." I smile and they both waggle their tails in excitement like they could totally understand me.

Naghanap muna ako ng dress na isusuot bago magpunta sa banyo at magbabad sa bathtub ng tatlumpung minuto. Nang matapos ay agad akong nagbihis at naglagay ng kaunting makeup. Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ay hinanapan ko naman ng damit sila Snow at Spice para bihisan sila saka lagyan ng leash.

Maingat ko silang inupo sa passenger seat saka nagmaneho patungo sa mall kung saan kami magkikitang magkakaibigan.

Dahil na rin sa dalawa kong babies ay halos lahat ng mata sa paligid ay nakatingin sa akin. I don't mind if my babies outshine me, they deserve it anyway. Who couldn't resist that cuteness? Ilang bata pa nga ang sumubok na lumapit sa mga ito para himasin.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon