Chapter 46: Old Memories

1.1K 34 6
                                    

CHAPTER 46

Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Liam pagpasok ko ng opisina ni Jax. Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito sa totoo lang. Lumingon ako sa paligid at napagtantong mag-isa lamang siya.

"Nice to see you, Amethyst." Nakangisi niyang wika. "Jax just went out to talk to his parents. But he'll be back soon." Paliwanag niya na tinanguan ko naman. Umupo ako sa upuan na katapat niya.

"What are you doing here?"

"We're talking about our next project." Nakangiti niyang sagot.

"Aren't your families the biggest rivals in Real Estate industry? Why are you working together?" Sa pagkakaalam ko ay ang mga pamilya nila ang naglalaban pagdating sa real estate dito sa Pilipinas. Not sure who's number one at the moment though, but Castillejos and Gonzalez are in top 2 the last time I checked.

Liam chuckles. "Where did you hear that?" He shakes his head. "Our families are friends before we were even born." He shrugs. "Didn't we mention that to you already? That Jax and I are friends since childhood because our families are friends." Paliwanag niya pang muli. Tama, naaalala ko pa ang tungkol doon. Ang weird lang kasi. "Let's say, it's just a friendly competition."

Tumango ako. "Right. So, ano ang project na 'yan?"

"Secret." Sagot niya at nginisian ako kaya naman inirapan ko siya. "Sorry, Amethyst, I'm not allowed to say anything about this." Umayos siya ng upo. "By the way, how do you feel that Jax is finally taking over his father's position?" Oo nga pala malapit nang mapunta kay Jaxon ang pamamahala ng kanilang kompanya. Sa pagkakaalam ko ay sa darating na weekend siya ipapakilala bilang opisyal na CEO dahil magreretiro na ang kanilang mga magulang, pero dahil abala ako ay hindi ako makakapunta upang masaksihan iyon.

"I'm happy for him." I smile. "I've heard you are also taking over your family's company? Congrats in advance, Engineer."

"Thanks." He grins.

"I'm sure you'll be a great leader."

Bumukas ang pinto kaya pareho kaming lumingon doon ni Liam. Sino pa ba ang pumasok kundi ang boyfriend ko.

"Hey." Lumiwanag ang mukha nito nang mapansin ako saka lumapit sa akin para yakapin habang binigyan ko naman siya ng halik sa pisngi.

"Mukhang may pag-uusapan pa kayo ni Liam, siguro ay lumabas muna ako?" Tanong ko kay Jaxon pero umiling siya.

"I think Liam wouldn't mind if you stay in the room." Tumingin siya kay Liam na tila ba nag-eexpect na papayag ito at hindi naman siya nagkamali.

"Of course." Tumatangong sagot ng binata. "Walang problema."

Umupo ako sa sofa habang kinakalikot ang aking cellphone habang sila ay seryosong nag-uusap tungkol sa bagong proyekto ng kanilang mga kompanya. Wala naman akong masyadong alam sa mga properties kaya 'di ko naman naiintindihan ang diskusyon nilang magkaibigan. Hindi ko namalayan ang oras, basta ang alam ko lang ay tumayo si Liam at nagpaalam sa akin bago lumabas ng opisina.

"Do you want to eat?" Tanong ni Jaxon kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Di ka pa kumakain 'no?" Imbis na sumagot ay ngumiti lang siya sa akin. Umikot ang aking mga mata. "Jax, alam ko abala ka nitong nakaraan, pero masama ang laging nagpapalipas ng gutom." Sermon ko sa kanya. Ilang araw na siyang ganyan, puro trabaho ang inaasikaso. Nitong mga nakaraang araw ay minsan na nga lang kami magkita. "Gusto mo ba dalhan kita ng pagkain araw-araw?" Tinaasan ko siya ng isang kilay pero tumawa siya.

"No need. Ngayon lang naman ito. Promise, I'll try not to skip meals next time." Aniya habang nakangiti na labas ang dimple. Umikot ang aking mga mata. Tuwing nakikita ko talaga ang dimple na 'yan ay naiinlove ako lalo.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon