CHAPTER 37
Huling araw na namin sa Maldives kaya naman plano naming sulitin ang bawat oras na nandito kami. Bukas ng hapon ang aming flight pabalik ng Manila. Maiisip ko pa lang ang mga babalikang trabaho ay bumibigat na ang aking pakiramdam. Babangon na sana ako mula sa aking kama nang hilahin ni Jaxon ang aking kamay.
"Where are you going?" Tanong niya. He's leaning against the headboard, half naked, exposing his hot upper body while the laptop is on top of his lap.
"Magsho-shower at mag-aayos. Huling araw na natin dito kaya gusto kong sulitin."
"Mamaya ka na umalis." Pakiusap niya sa akin kaya naman natawa ako. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kanyang tabi.
"You are so attached to me, it's scary." I joke. I lean forward to him. "Magkasama na nga tayo lagi namimiss mo pa ako?" Noong isang araw ay nagulat na lang ako nang pagbukas ko ng pinto ay nasa labas siya dala ang mga gamit. Nagcheck out siya sa kanyang villa para lumipat sa akin. Sineryoso niya ang biro ko noong nakaraan. But I gotta admit, I like that he did that.
"Fine. You go. Susunod na lang ako mamaya." He sighs.
"Okay." Nginitian ko siya tapos ay bumaba ng kama. Bago pa man din ako pumasok ng banyo ay hinubad ko ang aking damit at siniguradong kita niya ito.
"You're such a tease." His complain makes me giggle.
Nang matapos ako sa pagshower at bihis ay lumabas na ako para kitain ang aking mga kaibigan. Kumain muna kaming apat ng tanghalian.
"Grabe, huling araw na agad natin." Venice sighs.
"Kaya nga. Ang bilis!" Saad ni Scarlett. "Pero sa isang linggo na iyon, ang daming nangyari. Biruin mo itong kaibigan natin ay dinidate pala si Jaxon."
"Yeah. Kung 'di pa natin nahuling nag-LQ." Pag-sang ayon ni Venice. Tumingin sa akin si Scarlett at ngumiti ng nakakaloko. "Jaxon is staying with you in the same villa, right?" Pag-iintriga niya. "So, kamusta naman ang kaganapan tuwing gabi?" I almost choke on my food when I hear that question.
"Scarlett, stop it! I don't wanna hear details about my brother and bestfriend's intimate life!" Ngumiwi si Jazmin at tinakpan ang dalawang tainga kaya tumawa kaming tatlo. Jazmin rolls her eyes. "Seryoso ako! I'm not interested to hear it!"
"Calm down, girl. I won't say anything either." Umiiling kong sabi sa kanya. Inalis niya ang dalawang kamay na nakatakip sa kanyang tainga.
"Jaxon is so hot. Nakita niyo naman ang katawan diba? I could totally imagine him in bed." Dagdag ni Venice.
"Uhm, excuse me? You're talking about my boyfriend here." I grin. Ang sarap pala sa pakiramdaman na sambitin ang salitang iyon lalo na kung seryoso at hindi laro ang relasyon niyo.
"Sorry naman. Promise, hindi na! Kay Jace na lang talaga ako." Natawa ako habang si Jazmin naman ay umiikot ang mga mata at umiiling. I'm sure it feels awkward and weird that your friends fancy your brothers.
"Hey girls. I hope we're not interrupting your girl talk." Sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita. Si Jace ito kasama sina Jaxon at Liam.
"Of course not! Join us!" Anyaya ni Venice sa mga ito. Umusod si Jazmin para makaupo ang kanyang kapatid sa gitna naming dalawa. Si Liam naman ay sa kanang bahagi ni Jazmin habang si Jace ay nasa gitna ng dalawang maharot naming kaibigan.
Muling lumapit sa amin ang waiter para kunin ang order ng mga lalaki naming kasama ngayon. Pinulupot ni Jax ang kanyang braso sa aking balikat dahilan upang magkagulo na naman itong dibdib ko. Kahit simpleng hawak lang nga niya sa akin ay kakaibang sensasyon ang ibinibigay nito sa aking buong katawan.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...