Chapter 15: Date

1.2K 32 0
                                    


CHAPTER 15

Bakit ba kasi pumayag ako makipagdate sa Liam na 'yun? I could've just refused it in the first place. Hindi ko naman hiningi ang tulog niya, to begin with. Ngayon ay hindi ako mapakali sa harapan ng aking full length mirror sa loob ng walk-in-closet ko habang namimili ng isusuot na damit. Wala rin naman kasi akong clue kung saan ba ako dadalhin ng lalaking 'yun. Ayoko naman siyang i-message pa dahil baka isipin niya pa na excited akong maka-date siya. Hindi ako makapag desisyon kung dress ba o shirt at pants ang aking isusuot. Sana naman kasi maging specific siya kung anong klaseng date ba ito.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng damit ay narinig kong tumunog ang cellphone—nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

Wear something casual.

Nakahinga ako ng maluwag, at least ngayon mababawasan ang pagpipilian kong damit. Hindi na ako makapaghintay na bastedin ang lalaking ito sa totoo lang. Magpapalit na sana ako ng damit nang marinig kong tumunog ang cellphone, tumatawag na siya ngayon. Agad ko naman itong sinagot.

"Hi, my destiny!" Bungad niya kaya umikot ang aking mga mata. Akala ko pa naman tapos na siya sa phase kung saan tinatawag niya ako ng ganun, hindi pa pala!

"Pwede ba tigilan mo nga ako sa tawag na 'yan, may pangalan ako." Iritang sagot ko sa kanya. Kung literal na may allergy ako sa kakornihan na tulad nun ay malamang kanina pa ako puno ng pantal.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin?" Bakas sa tono ng boses nito ang pagpapacute. Lord bakit ba ganito ang lalaking 'to? Gusto ko na lang talaga matapos ang araw na ito. Alam ko naman na hindi ko siya pwede indianin dahil 'di niya ako titigilan. "By the way, can you send me your address, para sunduin kita." Nanlaki ang mata ko sa narinig. There's no way I would give him my address!

"Magkita na lang tayo—" I pause to think of a place to meet him. "Sa isang coffee shop na lang. Text ko sayo address mamaya. Sige na magbibihis na ako." Ibinaba ko na agad ang tawag nang hindi manlang hinihintay na sumagot pa siya. Pagkatapos kong magbihis ay agad din akong umalis papunta sa coffee shop kung saan niya ako susunduin na hindi naman kalayuan sa subdivision namin. Imbis na gamitin ang sariling kotse ay nagpahatid na lang ako sa driver ni Dad. Hindi rin naman ako naghintay ng matagal dahil dumating din naman siya dala ang isang kulay silver na sports car. Isang malapad na ngiti ang bungad nito sa akin pagkasakay ko ng kanyang saskayan.

"Kamusta ang babaeng nagpapatibok sa puso ko ngayon?" Automatic na sumama ang titig ko sa binata.

"Hulaan ko, hindi ka pa ba nagkaka girlfriend ano?" Prankang tanong ko kaya naman kumunot ang noo niya na tila ba naguguluhan.

"What?"

"Hindi mo makukuha ang babae sa kakornihan mong 'yan. Ano ka high schooler?" Inirapan ko siya. "Magmaneho ka na nga lang." Sabi ko tapos ay tumingin na lang sa labas. Sumunod naman siya sa aking utos. Pero kahit na nagmamaneho ay wala pa rin siyang tigil sa pagdaldal. Sa lahat ng lalaking kilala ko siya ang pinaka maingay.

"Alam mo kahit masungit ka, hindi ko alam kung bakit gusto pa rin kita." Aniya. Gusto kong sabihin na 'eh kasi ganyan naman kayong mga lalaki, gusto niyo nacha-challenge kayo bago makuha ang babae. 'Wag nga ako!

"I wanna know you more." Mula sa peripheral vision ko ay alam kong lumingon ito sa akin saglit. "Work? Hobbies? Favorite food, color?" Ano 'to slambook? Hinarap ko na siya para muling prankahin.

"Ilang taon ka na ba?"

Ngumiti ito bago sumagot. "Twenty-seven." Proud niyang tugon sa aking tanong.

"Talaga? Sigurado kang hindi ka twelve or thirteen years old?"

"Alam ko baby face ako, pero sa maniwala ka o hindi twenty-seven na talaga ako."

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon