Author's Note:
Sorry MIA na naman ako ng matagal. Ang tagal ko na rin hindi nakakapagsulat, mga two months na rin ata so ang hirap bumalik. Sensya na kung may mga errors/inconsistencies o magulo. Saka na lang ako mag-edit.
****
CHAPTER 17
Sa isang coffee shop kami dumiretso ni Jaxon para makapag-usap ng maayos. Isang Espresso ang kanyang order habang ako naman ay Iced Americano. Sa mesa ay nakapatong ang mga order namin, kanyang laptop at pati na rin ang envelope kung saan nakalagay ang ginawa niyang blueprint. Muli at tinignan ko ang mga ito para inspeksyunin kung may pinagkaiba ba ito sa una niyang ipinakita sa akin. Nagbago dito ay ang sa kwarto ko na ni-request ko rin sa kanya. I can't help but smile.
"Looks like, you approved of it." Nakangiting saad niya sa akin habang pinagpapabalik ang tingin sa akin at sa blueprint na aking hawak. Tumango ako sa kanya.
"Yes. Now I can't wait for the 3D and 4D version." Excited na sabi ko. Ngumiti siya tapos ay iniharap sa akin ang laptop kung saan nakadisplay ang 3D modern home exterior design. It is definitely so much better than I anticipated-huge windows, all-white wall exterior, swimming pool area, the pond that I requested-it is really hard to describe everything but I honestly love it! Sunod nito ay ipinakita naman niya ang floor plans, and everything seems to be going according to the plan.
"Oh my God! I can't wait for Dad to see it, I'm sure he'll love it!" Bulalas ko, sa tingin ko ay kuntento siya sa naging reaksyon ko kaya naman isang abot tengang ngiti ang isinagot niya.
"I guess, you were not that hard to impress."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Really?" Tumango siya.
"Marami na rin akong naging clients na mahirap i-please. I'm glad you aren't like one of them." Paliwanag niya. Well, I'm not really surprised, marami talagang iba na sobrang taas ng standards, buti na lang talaga madali akong maka-appreciate ng gawa ng ibang tao. 'Yun din kasi lagi ang pinapangaral sa akin ng magulang ko, imbis na magreklamo ay makuntento na lang. Swerte nga kami at hindi kami naghihirap sa buhay, 'di katulad ng ibang mga pamilya diyan.
"By the way, how do you know my Dad?" Pag-iiba ko ng topic. I am actually really curious to find out. Ang weird lang kasi lalo na't kauuwi lang naman nitong si Jaxon dito sa Pilipinas. They could've met in the States. Kumunot siya na tila ba inaalala kung saan at paano sila nagkakilala.
"In New York last year. Naiwan niya ang bag niya, luckily it has a tag so I contacted him immediately." He smiles. "We had a little chat when we met. When he finds out I'm an Architect, he asks me a favor-"
"To design our new home?" I cut him off. He nods before continuing.
"Yes. Tapos sinabi niya na natutuwa daw siya sa akin." Ngumisi siya. "Do you know what? He even asks me if I have a girlfriend because he wanted me to date his daughter." Nanlaki ang mata ko sa narinig. My Dad is so embarrassing! Jaxon chuckles. "Bakit ang pula mo?" Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nang-aasar. Nakakahiya talaga ang ama kong iyon! Sigurado ako na 'yung "daughter" na tinutukoy niya ay ako, dahil may boyfriend na si Emerald.
I let out a sigh. "Nahihiya ako para sa tatay ko. Kahit kailan talaga." I roll my eyes.
"He was quite disappointed when I told him I'm already engaged-well, that time." Ngumiti siya, 'di ako sigurado kung pilit ba o totoo.
"Jaxon, I don't want to offend you but may I ask what was your ex like?" I bite my lip. Ewan ko ba sa bibig ko kung bakit lumabas ang mga salitang 'yan, gusto kong bawiin ang aking tanong. Like seriously, bakit ba ang tsismosa ko ngayon? Kita kong sumeryoso ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...