CHAPTER 52
Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang makabalik na ulit ako sa trabaho ko. At tinotoo rin naman ni Liv ang sinabi niya na hindi na siya manggugulo at magpapakita sa amin. Sa pagkakaalam ko ay bumalik na rin siya sa States kasama ang anak niya. Simula rin noon ay okay naman ang lahat sa amin. Jaxon and I are still together. Hindi perpekto ang relasyon pero masaya.
For the first anniversary of us going out, Jaxon and I decide to go on a holiday trip to Thailand. Sa totoo lang wala naman kaming anniversary talaga, inisip ko na lang na kung kailan kami unang nagdate at iyon na lang. I can't believe it's been a year.
Ngayon ay nasa hotel kami. Hapon nang makarating kami sa Bangkok at nagpapahinga lang kami ng saglit bago magsimulang libutin ang siyudad. This is actually my first time here, unlike him. Sabi niya kasi paborito niya ang Thailand kaya naman dito niya ako gustong dalhin. Saka mas ayon kasi ang klima nito para sa akin. Alam niyo naman na kapag bumaba ng twenty-five degrees ang temperatura ay giniginaw na agad ako.
"I'm already starving!" Reklamo niya. Umiling-iling ako at mahinang tumawa. Makapagreklamo eh kumain naman siya sa airport lounge at sa eroplano mismo. "Let's go. Let me start our little tour." Saad niya bago umayos ng upo sa kama.
"Ngayon na?"
"Yes. Para makarami tayo." Mahina siyang tumawa tapos ay lumakad papunta sa aking pwesto, "Vamos!" Aniya sabay hawak sa aking braso. Kinuha ko lang ang aking maliit na bag saka nilagay doon ang wallet at cellphone, pati na rin ang keycard ng suite namin.
Pumunta kami sa bahagi ng Bangkok kung saan maraming nagtitinda ng street food at sobrang nakakatukso! Masisira na naman ang diet ko.
"What do you want?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa paligid. Una namin sinubukan ang mga noodles. Halos ilabas ko ang dila ko nang malasahan ang sobrang anghang habang itong kasama ko ay pinagtatawanan ang itsura ko.
"What's so funny? Ang anghang kaya!" Reklamo ko.
"It's not that spicy." Aniya habang tumatawa. Sinimulan niya ulit kainin 'yung kanya na parang wala lang. O baka naman 'di maanghang 'yun?
Sinubukan kong humigop ng sabaw mula dito pero pakiramdam ko ay uusok ang bibig ko. Mas maanghang pa 'yun kaysa sa akin! Dali-dali ako uminom ng tubig pero nakadikit ang init sa aking dila.
"My goodness, Jax! How can you even eat that?"
"What?" He looks at me with a playful smile. "Do you know why I love Thailand? Because the foods are spicy." Aniya bago tumawa.
"You tricked me into this!" Mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Okay, we'll get you something not too spicy later." Hindi ko mapigilan na umikot ang mga mata. Sinubukan kong ubusin ang noodles habang pinapanood din si Jaxon na kainin ang pagkain niya na ubod ng anghang.
Matapos sa noodles ay nasimula kaming maglakad-lakad pa. Puro mga nakastick na street foods naman ang pinuntirya namin. Sa totoo lang ay hindi ko naman alam kung ano tawag sa mga ito dahil hindi ako nakakaintindi ng salita at basa ng letra nila. Tinikman ko ang isa na sa tingin ko ay sausage tapos ay fishball yata, ang iba naman ay pusit.
Tuwing napapatingin ako sa mga pagkain lagi akong nakakakita ng sili o chili sauce. Ganun ba talaga sila kahilig sa maanghang?
Naglalakad kami ni Jaxon hanggang sa bigla siyang tumigil sa stall ng exotic food. Oh God, 'di ko gusto ang binabalak ng lalaking ito.
"You wanna try these?" Turo niya sa malaking gagamba sa stick kaya halos mapanganga ako. See! Sabi ko na nga ba may binabalak ang lalaking ito.
Kunot noong tinignan ko siya. "Are you even serious? Who the fuck eats that?" Mahina siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...