Chapter 5: Stranger

1.6K 49 3
                                    

CHAPTER 5

I can't contact my three bestfriends. Wala kasi akong kasama dito sa bar. Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito, dahil ito sa impakta kong kapatid. Ano pa ba ang bago? Nag-away na naman kami. Gusto kong magpalamig sana ng ulo pero mali yata ako ng pinuntahan dahil ang ingay dito sa loob ng bar. Dapat siguro ay sa isang café ako nagtungo para makapagrelax ang isip.

"You're alone?" May tumabi sa'kin na isang lalaki. I look at him from head to toe, he's tall and quite handsome. Halata na may pagka playboy at balak lang akong paglaruan. Pero sorry siya dahil ako ang magwawagi sa larong binabalak niya.

Tumingin ako sa bakanteng upuan na katabi ko at saka tumingin sa kanya.

"Nakita mo bang may kasama ako?" Pilosopo kong pagsusungit ditto.

"Oh sungit mo naman." Nalungkot ang mukha niya.

"Can I have your name?"

"Sorry, pero hindi ako namimigay ng pangalan. Pag ibinigay ko, eh 'di ako ang nawalan." Pagsusungit kong muli. I know it's corny, pero wala talaga ako sa mood makipaglandian ngayon.

"Ang sungit talaga. Sayang ang ganda mo pa naman." Nakangisi niyang saad sa akin.

"Mas maganda, mas may karapatan magsungit." 'Di ba? Kung 'di ka naman kagandahan 'wag mo na subukang magtaray o magsungit kasi hindi bagay. Magpakabait ka na lang kung panget ka dahil minsan binabagay din 'yan sa itsura.

Tumawa naman siya, "Yeah right. Hindi bagay magsungit ang hindi maganda."

Hindi na ako sumagot pa. Sabi ko nga sa sarili, gusto ko munang magpahinga sa panloloko. Tama na muna ang landian dahil may iba pa rin namang mga bagay na dapat ko pagtuunan ng pansin. Saka parang last week lang 'yung ginawa ko doon sa isang lalaki.

Pero sadyang makulit ang lalaking 'to, ayaw niya akong tigilan.

"How about your number? Can I have a copy of it?" Nakangising tanong niya. At least, he's asking for a copy! Alam niya siguro na pipilosopohin ko siya kapag sinabi niyang 'can I have your number?'.

"Wala akong phone. Kawawala lang kanina." Walang gana kong sagot para naman makahalata siya na hindi ako interesado sa kanya.

"Aww... oh sayo na lang 'to kabisado ko number niyan. I can contact you now." Inabot niya sa akin ang isang puting iPhone.

Natulala ako sa ginagawa niya. Ngayon ay naalala ko si Jaxon. Remember, noong binigay niya sa akin ang kanyang cellphone dahil sa nasira kong iPhone din? Tumawa ako sa inaakto ng lalaking ito. Talagang handa niyang gawin ang lahat ma-contact lamang ako.

"Are you crazy? You're willing to give me your phone?" I roll my eyes in disbelief.

"Yes. Marami naman ako niyan." Mayabang na sagot nito.

"Do you think I can't buy an iPhone? Gusto mo ba ibili pa kita ng sampu niyan? Samahan mo pa ng sampung Macbook, or iMac." Pagyayabang ko rin sa kanya. Excuse me lang, kung marami siyang pera, ay ganun din ako.

"Did I offend you? Then I'm sorry. Gusto lang talaga kita makilala." Lumungkot ang mukha niya, sa aking tingin ay sincere naman siya kahit paano.

"Iba ka rin, ano? Ibibigay mo agad ang phone mo sa taong hindi mo naman kakilala."

"Well, if that's the case, by the way I'm--" Hindi na nito na-ituloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na kanina lang ay ibinibigay niya sa'kin. Sinagot naman niya ito agad.

"Hey, pre! Ahh ayun ba? Oo. Sige puntahan na lang kita diyan sa inyo. Bye." Ibinaba nito ang cellphone. "I need to go. I'll see you next time!" Nakangiting sabi nito bago nagmamadaling umalis. Sigurado ba siyang may next time pa? Napailing na lamang ako dahil nakalimutan na niyang magpakilala sa akin, medyo nakakatawa lang. I wouldn't lie, he's definitely a good-looking man, especially when he smiles.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon