Chapter 19: Surpise Meeting

1K 27 1
                                    

CHAPTER 19

Kanina pa tumutunog ang aking cellphone, sino pa ba ang tumatawag kundi si Liam na walang ginawa kundi ang mangulit. Actually, I already blocked him the other day so I will have a peaceful day at work, but then I feel guilty, hindi ko nga alam kung bakit. Mabuti na lang ay hindi na masyadong masakit sa ulo ang trabaho ko sa opisina ngayon. Ang mga bagong produkto ng kompanya ay inilabas na ngayong linggo. Wala na akong pwedeng i-dahilan pa para hindi sagutin ang kanyang tawag. Pang-anim na sunod na tawag na niya ito ngayon kaya naman sinagot ko na rin. Ilang linggo ko na rin yata siyang iniiwasan.

"Hello."

I hear him sigh on the other line. "Finally, sinagot mo rin ang tawag ko. Akala ko talagang iniiwasan mo na ako." Ramdam ko sa tono ng boses niya ang lungkot.

"Bakit ka napatawag?"

"I'm outside your company. Yayain kita maglunch sana." Napatayo ako mula sa pagkakaupo. Is he even serious?

"What?"

"Kanina pa ako tumatawag sa'yo hindi ka naman sumasagot."

"Sige, hintayin mo ako diyan." Agad kong ibinaba ang tawag at kinuha ang aking bag upang puntahan siya. I'd be really harsh if I decline his offer, lalo na't nandoon na siya sa labas. Paglabas ko ay bumungad sa akin si Clara, ang aking Personal Assistant.

"Aalis lang ako sandali, wala naman akong meeting ngayong araw, hindi ba?" Tanong ko sa kanya para kumpirmahin, ayoko rin naman na umalis na may maiiwang trabaho lalo na ang meeting.

"Wala po. Gaano po kayo katagal mawawala?" Tanong niya kaya umangat ang isa kong kilay.

"Parang masaya ka yata na aalis ako? Bawal ang chismisan habang wala ako, pakisabi 'yan sa mga empleyado." I give her a warning look. Hay, hindi naman ako sobrang strikto na boss pero bakit masaya sila na aalis ako saglit? Hindi rin naman ako masungit sa kanila. Yumuko siya, ako naman ay tumungo na papuntang elevator.

"Good morning po." Bati ng isang babaeng empleyado na nasa loob na ng elevator, agad itong lumabas ng pumasok ako.

"Saan ka pupunta? 'Di ba kasasakay mo lang?"

"Okay lang po, mauna na po kayo."

"No, it's alright. Wala namang kaso sa akin kung may makasabay ako kaya pumasok ka na." Nakita kong ngumiti siya tapos ay nagdadalawang-isip papasok sa elevator. Tahimik lang kami sa loob, ilang beses din na tumigil ang elevator habang pababa, at katulad ng inaasahan ay lahat ng empleyadong makita ako ay nagdadalawang isip na sumakay dito. I can't help but roll my eyes. May nakakahawa ba akong sakit at ayaw nilang sabayan ako? Mabuti na lang hindi nagtagal ay agad akong nakarating sa ground floor. Paglabas ko ng building ay bumungad sa akin si Liam na nakasandal sa isang kulay silver na convertible sports car. Pinagtitinginan din siya ng mga tao-lalo na ng kababaihan sa paligid. Binigyan niya ako ng malawak na ngiti.

"Looks like you're enjoying the attention they are giving you." I cross my arms.

"Nagseselos ka ba?" This guy is so conceited.

"Bakit,boyfriend ba kita?" Binigyan ko siya ng wala-akong-pake-sayo na tingin. Napabuga siya ng hangin.

"Bakit ba ang hirap mong-" Tinaasan ko siya ng kilay kaya hindi niya na itinuloy ang sasabihin. Muli ay huminga siya ng malalim. "Hindi ka ba talaga nakakaramdam ng selos?" Dahil sa tanong niya ay kumunot ang noo ko.

"Iyon ba ang goal mo, ang pagselosin ako? Kaya ba ganyan ang pormahan mo, feeling mo ikaw yung bidang lalaki sa mga pelikula?" I point his car. "Sa tingin mo magseselos ako kapag nakakakuha ka ng atensyon ng iba? Ano ka bata?" Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa kahihiyan. Ibang-iba ka nga talaga sa mga lalaking naka-date ko noon. Gusto ko sanang sabihin. Pinagbuksan na lang niya ako ng pinto kaya naman sumakay na rin ako. Sa isang resto kami nagtungo upang kumain, and luckily, hindi sa isang Japanese restaurant.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon