CHAPTER 42
Pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibdib dahil sa naririnig...
Paano?
"W-what? How?" Napasapo si tita sa kanyang noo. "Why isn't Olivia telling us about this?"
"Kaya nga ako na ang pumunta dito upang ipaalam sa inyo. Kailangan niyong malaman- kailangan ni Jaxon malaman na may anak sila."
Bumuga ng hangin si tita. "Magtatatlong buwan na si Liv dito bakit wala siyang sinasabi tungkol sa bata?" Gustong kong umalis pero hindi ako makagalaw habang pinagmamasdan ang dalawang ginang.
"Mom! What are you doing here?" Lumingon ako sa babaeng sumigaw. Nagmamadali itong naglalakad papunta sa direksyon ng kanyang ina at nanlalaki ang mata nang mapansin ang stroller. Humahangos siyang papunta sa aming direksyon. "Mom, why are you here?" Namumutla ang mukha nito at halatang nagpapanic.
"Olivia, is this true?" Tinignan siya ni tita Kathy. "Is this your son?" Nanlalaki ang matang nakatitig lang siya sa ginang at tila ba nag-aalinlangan na sumagot. "Is this Jaxon's child?"
Lumingon si Liv sa aking direksyon at bakas sa kanyang mukha ang gulat nang makita ako. "Y-yes." That confirmation makes my world stop for a second. It changes a lot. Jaxon has a love child. Sa wakas ay naigalaw ko ang mga binti ko. Nagsimula akong lumakad, 'di ko alam kung saan ako papunta.
"Amethyst." Natigilan ako nang may humawak sa aking balikat, sa aking harapan ay nakatayo si Jax. Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Why am I even crying? Damn it. Agad kong pinahiran ang luha ko at tinitigan ko lamang siya habang siya naman ay naka-kunot ang noo na pinagmamasdan ako.
"Jaxon!" Sigaw ng pamilyar na boses na sinundan niya ng tingin.
"Mom, what is it?" Rinig kong sagot ni Jax. I'm not turning to face them. Parang 'di ko kaya. I feel something in my chest.
"We need to discuss something in my office."
"W-with them?" Sa tingin ko ay ang tinutukoy niya ay si Liv, ang ina nito at ang bata.
"Jax, this is urgent." Sa aking palagay ay wala pa rin siyang ideya sa kung anong nangyayari. "Sumama ka, ngayon na, sa opisina ko." Madiin na utos ng kanyang ina. Nakita ko ang mga itong dumiretso sa elevator pero nanatili si Jaxon sa tabi ko.
"I'll be quick. Wait for me in my office." Bulong niya sa akin tapos ay hinila ako papunta sa elevator pero bago pa makapasok ay agad kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.
"Uuwi na ako." Walang gana kong wika sa kanya kaya pinagmasdan niya ang aking mukha. "I'm tired." Pagsisinungaling ko. Ni wala pa nga akong nagagawa ngayong araw.
"A-are you alright?" Tanong niya pero umiwas ako ng tingin.
"Kailangan kang kausapin ng mommy mo. Naghihintay na sila sa'yo. Pumunta ka na doon." Sagot ko bago siya talikuran saka lumakad palayo. Pakiramdam ko ay sumasakit ang aking ulo dahil sa nalaman ko ngayong araw. Napaka gandang birthday gift naman nito.
"Amethyst!" Masayang bati ni Jazmin nang makasalubong ako. "Okay ka lang? You look pale!" Pinasadahan niya ako ng tingin.
"N-no." I sigh. "I don't think I am." Ramdam ko ang pagpatak ng luha sa aking pisngi kaya agad ko iyon pinunasan gamit ang kamay.
"W-what's going on?" Buong pag-aalala niya akong tinignan. "Nag-away ba kayo ni kuya?" Tanong niya kaya umiling naman ako.
"Jax has a child with Liv." Diretso kong sagot kaya nanlalaki ang mga matang tinignan ako ni Jazmin saka umiling.
"No, that's impossible!" Nagsalubong ang kanyang kilay.
"I saw the child with my own eyes, Jaz. Nandito ang bata dala ng nanay ni Liv." Bumuga ako ng hangin. "Nandoon sila sa opisina ng mommy mo ngayon, nag-uusap." Agad niya akong hinawakan sa braso.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...