Chapter 21: Stuck in the rain

1.1K 27 0
                                    

CHAPTER 21

Hindi pa man kami nakalalayo sa building site ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil na rin wala kaming dalang payong ay nagdrive thru na lang kami ni Jaxon para hindi na namin kailangan pang lumabas ng kotse. Sa sobrang lakas ng ulan ay siguradong mababasa kaagad kami kahit isang segundo pa lamang kami sa labas. Tumigil kami sa parking lot para makakain sa loob ng sasakyan. Wala pa rin tigil ang malakas na ulan, I wonder if it is actually safe to drive in this kind of weather condition. Sa sobrang lakas kasi nito ay halos zero visibility na, idagdag pa na madilim ang dadaanan namin. Dahil na rin sa ulan ay hindi ko maiwasan na ginawin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jaxon, marahil ay napansin niya ang pangangatog ng aking katawan.

"O-oo." Tinawanan niya ako tapos ay may kinuha sa backseat para i-abot sa akin. Kumunot ang aking noo. "Jacket. Isuot mo dahil alam kong giniginaw ka na." Nginitian ko lamang siya tapos ay isinuot ko ito, it smells just like him. Aminin niyo, girls, sa buong buhay niyo ay in-imagine niyo rin suotin ang jacket ng boyfriend o mga crush niyo, 'yung tipong feel na feel niyo pa dahil nakadikit ang pabango o amoy nila dito.

"You know what, my dad's from Maine. Sanay siya sa lamig, habang ako naman dito sa Pilipinas lumaki kaya mas sanay ako sa init. Konting lamig nga lang ay giniginaw na ako, madali akong sipunin. Kaya iniiwasan ko rin sumama sa kanila sa U.S tuwing uuwi sila doon ni Mommy." I say unconsciously. Hindi ko alam kung bakit ba ikinukwento ko ito kay Jaxon ngayon.

"Mas gusto mo dito?"

"Oo. Mas sanay at komportable ako dito sa Pinas. Mas masaya ako dito. Also, airplanes sometimes make me anxious."

Umayos siya ng upo paharap sa akin. "Really?" Nakangiti niyang tanong, ayan na naman ang kanyang dimple. Ugh. Masyado na akong nadidistract sa dimple na 'yan, bakit ba kasi ang lakas makadagdag niyan sa kagwapuhan niya?

"I bet, you are more comfortable in the US."

"Nasanay na lang ako doon, but I can't say I'm more comfortable living there. Isa pa, nandito ang pamilya ko kaya mas masaya ako dito."

'Di ko na naman mapigilan na mapangiti. "Alam mo natutuwa ako sa'yo." Tinignan niya ako na tila ba nagtataka marahil sa sinabi ko. "Kasi, hindi ka katulad ng iba na tumira lang sa ibang bansa kala mo hindi na alam ang salitang filipino. 'Yung iba nga diyan, purong pinoy naman, lumaki sa Pilipinas, pero hindi manlang marunong magsalita ng tagalog. Those people really annoy me." Paliwanag ko habang si Jaxon naman ay nakatitig lang sa akin habang nakangiti ng malawak. I give him a glare. Nakakatawa ba ang sinasabi ko?

"You are a lot different from the first time we were introduced to each other." Dahil sa kanyang sinabi ay automatic na nagsalubong ang aking kilay..

"You were so quiet, as if you were not interested in my presence. Parang 'di ako nag-eexist." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. He's right! I remember that, wala akong pake sa kanya habang ang mga kaibigan ay parang mga haliparot at linta kung makadikit sa kanya.

"But now, I'm surprised. You're comfortable saying these things to me- talking to me." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "I'm glad to get to know you more." He pauses. "Hindi ka naman pala masungit o mataray." Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Mukha lang akong mataray dahil sa resting bitch face ko, pero mabait naman ako. Alam mo ba na ang mga empleyado sa headquarters namin ay takot sa akin, akala yata nila nangangain ako ng buhay." Kwento ko pa. "Noong nakaraan nga, sabi ko ay lalabas lang ako sandali para kumain ay halata ko sa pagmumukha nila na excited silang mawala ako. Ewan ko ba sa mga iyon!" Reklamo ko na parang bata. Tuluy-tuloy lamang kami sa pagkukwentuhan, tungkol sa trabaho, pamilya, at kung anu-ano pa. Hindi na namin namalayan ang oras, mag-aalas nuebe na pala ng gabi! Pero ang may kalakasang ulan ay hindi pa rin tumitigil.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon