Chapter 41: Birthday Surprise

1.2K 32 16
                                    

CHAPTER 41

Dahil kinukulit ako ng mga kaibigan ay nakipagkita na rin ako sa kanila para magdinner sa paborito naming restaurant. Mamayang hatinggabi ay birthday ko na at hindi na daw sila pwede ng ganung oras kaya ngayon na lang namin i-celebrate.

"Cheers to our gorgeous and intelligent friend for finally turning twenty-six tomorrow." Itinaas ni Scarlett ang wine glass na mayroong lamang Rosé. Sabay-sabay naming tatlo na itinaas ang sarili naming baso ng wine para sa toast tapos ay uminom nito.

"Girls, thank you for this and for not forgetting my birthday every year."

"Amethyst, paano namin makakalimutan ang birthday mo eh araw din ng mga puso." Tumatawang sagot ni Venice. Tama naman siya, madaling tandaan ang birthday ko dahil Valentine's day din.

"Right. But still, thank you for always celebrating it me." Matawa-tawa kong saad. Sumulyap ako sa aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Dismayado pa rin ako dahil wala manlang akong natatanggap na kahit anong mensahe o tawag mula kay Jaxon sa buong araw na ito.

"Girls. Sorry but I have to go. May urgent lang sa bahay." Nagpapanic na paalam ni Venice bago tumayo. Isa-isa niya kaming nilapitan upang bumeso. "Happy birthday. See you later-- I mean tomorrow." Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant.

"Ako din. Nagmessage si mom, may pag-uusapan daw kami tungkol sa business." Paalam naman ni Scarlett.

"Seriously? Guys maaga pa, can't you stay a little longer?" Hindi ko mapigilang sumimangot.

"Pasensya na. Hindi ko rin naman inexpect eh. Bigla na lang siya nagtext. Sasamantalahin ko na baka bukas ay wala si mom." She smiles. "Nandiyan pa naman si Jaz. Sige na, mauuna na ako." Aniya bago kami iwanan.

Bumuga ako ng hangin. "Kita mo 'yung dalawang 'yun, bigla na lang nagmamadaling umalis." Tumingin ako kay Jaz. "I think we should head home too."

"Minsan na nga lang tayo magkasama tapos gusto mo na kaagad umuwi? Magkwentuhan muna tayo, there's a lot of things we need to talk about." Sagot ni Jazmin. "Kamusta kayo ni kuya? I hope you guys are okay. Lalo na't medyo nag-away kayo dahil sa out of town work trip niya sa Cebu."

"Okay lang. Wala naman akong choice dahil trabaho niya iyon." Alam kong bakas sa tono ng boses ko ang pagiging bitter.

Jazmin smiles. "Huwag ka na magtampo. Malay mo naman bumawi siya sa'yo."

"Jaz, all I want is to spend my birthday with him. Simple as that. I don't need anything, just his presence alone is enough." Bumuga ako ng hangin. "Ngayon nga hindi nagpaparamdam, baka nabagsakan na ng mga bakal sa site." I roll my eyes and she laughs.

"Grabe ka, girl. Baka kasi busy lang." Pampalubag loob na sagot niya.

"Mag-aalas diyes na ng gabi, pero busy pa rin?"

"Bes, I'm not trying to defend my brother, pero minsan kapag nagkakaproblema sa site kailangan nilang puntahan para tignan. You know my dad is also an Architect and my mom is Engineer. Minsan umaalis sila ng hatinggabi dahil nagkakaproblema." Paliwanag ni Jaz.

"Sana manlang kasi ay nagtetext siya. Pero buong araw ni good morning ay wala. Nakalimutan na yata niyang may girlfriend siyang naiwan dito sa Manila." Naiinis kong pahayag. Sabi nga nila diba, pag gusto may paraan. Bumuga ako ng hangin bago tignan ang suot na wrist watch. "Anyway, girl. I think we should go. It's getting late and we do have work tomorrow."

Jaz raises her brows. "Mamaya na. Wala kasi akong kasama sa bahay ngayon kaya ayoko munang umuwi."

"Pero, Jaz, pareho pa tayong may pasok bukas. Maghahatinggabi na kailangan na natin magpahinga." Sagot ko. Nakita kong hawak niya ang cellphone habang may itinatype dito.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon