Chapter 51: Back For You

1.3K 50 9
                                    

CHAPTER 51

Ilang araw na rin na walang paramdam sa akin si Jaxon simula nang malaman niyang niloko lang siya muli ni Liv at itinago ko iyon sa kanya. Hanggang ngayon ay di pa rin ako mapakali. Ganun ba talaga kalaki ang atraso ko at pinili niyang lumayo muna sa akin? Dapat naman talaga 'di ko nilihim sa kanya ang nalaman ko pero paano ko ba naman kasi sasabihin ang tungkol doon kung wala naman akong sapat ng proof upang suportahan ang pahayag ni Ian.

"Amethyst! Ikaw pala iyan." Napabalik ang diwa ko sa reyalidad nang may tumawag ng aking pansin- si Liam. Ilang hakbang lamang ang kanyang layo sa aking pwesto. May malawak na ngiti ang binata sa mga labi. "Can I join you?" Aniya nang nasa harapan ko na. May hawak siyang kape. Nandito nga pala ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa HQ ng aming kompanya. Dito muna ako nagpapalipas habang naghihintay na tawagan ni mommy para pumunta sa headquarters kung saan magaganap ang pagpupulong ng board.

Tumango lamang ako bilang sagot sa binata bago humigop ng kape na binili ko pa kanina. Umupo naman siya sa aking harapan.

"Long time no see." Hindi pa rin siya nagbabago, laging masaya ang aura. "I've heard what happened. Wyatt isn't Jaxon's. How do you feel about it?" Walang kabuhay-buhay ko siyang tinignan.

"How do you know?"

"Jax told me." Mapakla akong napangiti. Buti pa sila ay nag-uusap ng boyfriend ko pero sa akin walang paramdam.

"Where is he?" I chuckle mirthlessly. "Buti pa sa'yo may paramdam."

"Wag ka na magselos. We just drank together the other night. Pagkatapos nun wala na. Nagleave din sa trabaho, baka nag-seself reflect."

"Galit ba siya sa akin?" Tanong ko pero nagkibit balikat lamang siya.

He lets out a sigh. "Don't worry, I don't think he's gonna leave you just because of that. Nag-iisip lang iyon dahil dalawang beses siyang ginago ni Livvy." Umiiling niyang saad. "I can't believe she did that."

"Alam mo ba ang sabi sa akin ni Ian, ginamit lang daw ni Liv si Jaxon dahil sa social status ng pamilya nito." Nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig ang aking sinabi. Parang kahit siya ay 'di makapaniwala. "Sabi niya matagal na silang may affair ni Liv." I smile bitterly. "I can't tell Jax because I know he would still feel broken even though he's over her."

"High school pa lang kami gusto na ni Jax si Livvy, they just started going out when they met again in New York. Doon din kasi nag-aral si Liv." Mapakla siyang tumawa. "Alam mo ba muntik na nga makick out 'yun noong isang beses na nakipag-away siya dahil kay Livvy. Mabuti na lang malaki ang utang na loob ng school sa mga González at malaki pakinabang nila kay Jaxon pagdating sa mga academic competition." Sa pagkakatanda ko ay nasa honor roll ito noong nag-aaral pa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit 'di siya natanggal.

"He really loved her." I smile bitterly. "He loved her so much but she still chose to hurt him."

"Kahit nga ako 'di makapaniwala na magagawa niya iyon. Katulad nga ng sinabi ni Jaxon dati, lagi akong third wheel sa kanila." Mahina siyang tumawa. "They seemed really happy. Kapag nakikita ko si Olivia ramdam ko naman na masaya siya sa piling ni Jax."

"Sabi ni Ian, nahulog naman daw talaga si Liv kay Jax."

Liam heaves a sigh. "Alam mo ang isang bagay na 'di ako makapaniwala? Na gagawin iyon ni Ian kay Jax. They were really close, mas best friends pa nga sila kaysa sa amin ni Jaxon kahit na bata pa lang magkasama na kami." Umiiling-iling niyang saad.

"He envied him." Matipid kong sagot. Tumitig ako kay Liam, "Ikaw, anong naramdaman mo nang piliin ko si Jaxon? 'Di mo ba naisip na gantihan siya o--"

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon