Chapter 26: The Catch

1K 30 8
                                    

CHAPTER 26

"You're not telling anyone about this, about us." I sit across him, he looks at me looking confused. "If you really want to date me, that's the catch you have to deal with." Walang ligoy kong sabi. I know it makes me sound like a total fuckgirl, but I'm not really comfortable letting everyone know about this, especially because of my friends.

"S-sure." Alam kong naguguluhan pa rin siya sa setup na gusto ko pero ito talaga ang gusto kong mangyari. Ayokong malaman ng mga kaibigan ang tungkol sa amin ni Jaxon ngayon, sa tingin ko ay hindi rin naman magtatagal itong namamagitan sa amin, like I say, pagbibigyan ko lang din siya.

"You can't tell your friends, or family, not even Jazmin. I would do the same. It's just between the two of us." I sigh. "They shouldn't see us going out together."

Kumunot ang kanyang noo. "May I know the reason, why?" Tinitigan ko siya.

"Honestly, hindi ako komportableng i-date ang kapatid ng kahit sino sa mga kaibigan ko."

I see him forcing a smile. "Ayos na sa akin 'yan, kaysa naman sa wala." Iyon na 'yun? I'm expecting him to demand something, 'yung tipong mas ipipilit niya ang gusto, pero madali naman yata siyang pakiusapan. "Pero paano tayo magdidate kung ayaw mong may makakita sa ating dalawa?" Good question. Sasagutin ko na sana ang katanungan niya pero naunahan ako. "No need to answer, ako na gagawa ng paraan." Nakangiti niyang saad. Hay, bakit ba nakukuha niya pa rin ngumiti sa akin ng ganyan?

"Dahil pumayag ka na rin naman makipagdate sa akin, eh 'di simulan na natin ngayon." Saglit niyang tinignan ang suot na relo. "Sakto, we should have dinner. Gutom ka na ba?" Ano bang mayroon sa sistema ko at nakakaramdam ako ng panic? I mean, agad-agad ang date? Saka dito pa talaga? Mamaya makita pa kami ng mga kaibigan ko.

"Wait, dito?" Tanong ko pero agad siyang umiling.

"No. C'mon." Tumayo siya tapos ay hinawakan ako sa braso para hilahin palabas. Mukhang magkaibigan nga sila ni Liam, ang hilig niya rin manghila.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko nang makitang nasa harapan na kami ng kanyang sports car. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Get inside."

"How about my car?"

"Don't worry, 'di naman tayo masyadong lalayo." Sagot niya, kahit nagdadalawang isip ay sumakay na rin ako.

Tumigil kami sa harapan ng isang food park na sa tingin ko ay medyo malayo sa Café. Excitement covers my entire body. I know it's just a food park, pero natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng kainan. Never tried this one before.

"Been here before?" Tanong niya habang tinatanggal ang suot na seatbelt.

"No." Umiiling kong sagot. "Sandali, baka may makakita sa atin diyang kakilala ko o mo." 'Di rin naman kasi ito nalalayo sa lugar na madalas kong puntahan kaya naman nagdadalawang isip akong bumaba. Who knows who's in there?

Ngumisi siya sa akin tapos ay may kinuha sa backseat, inabot niya sa akin ang kulay itim na tela at nang buklatin ko ito ay napagtanto ko na isa pala itong hoodie.

"Wear it. Malamig naman sa labas dahil umaambon." Pagkasabi niya noon ay napalingon ako sa bintana ng kotse, nagsisimula na ngang umambon. It looks like a blessing in disguise, at least may dahilan para magsuot ako ng hoodie, alam naman natin kung gaano kainit sa Pilipinas at awkward ang magsuot ng jacket lalo na kung hindi naman malamig.

"How about you? Ikaw naman ang mauulanan." Tanong ko.

"Here." Kinuha niya ang isang baseball cap sa dashboard bago isinuot. Hindi ko iyon napansin kanina. Muli akong lumingon sa labas, medyo lumalakas ang ulan kaya naman isinuot ko na ang hoodie. Mabuti na lang ay may bubong ang mismong food park kaya 'di maaantala itong unang date namin.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon