Chapter 24: Going Crazy

1K 33 2
                                    

CHAPTER 24

Kahit halos dalawang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa rin maalis sa aking isip ang mga salitang binitawan ni Liam. Yes, he's drunk that's why he says those things. But being drunk is not an excuse to lash out on someone. Gusto kong sabihin sa kanya na unang-una, hindi naman kami para magalit siya. It's not as if we're committed to one another, pero kahit na ganoon ay hindi ko naman siya masisi dahil nahuli niya akong nakikipaghalikan sa matalik niyang kaibigan. Pero wala pa rin siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganung bagay. At sinabi niya na hindi ako magugustuhan ni Jaxon dahil sa history ko? Ewan ko ba pero tuwing maiisip ko ang bagay na iyon ay nakakaramdam ako ng kirot dito sa dibdib. But the hell I care if Jaxon likes me or not.

"Ma'am?" Napalingon ako ng hawakan ako ng aking sekretarya sa braso. Kanina pa pala ako nakatingin sa kawalan.

"Huh?" Napalingon ako sa kabuuan ng paligid. Everyone's looking at me as if expecting something from me.

"They are asking if you're going to approve the proposal for the new collection." Bulong niya sa akin. Napabuga ako ng hangin, wala akong naintindihan sa presentation na ipinakita kanina.

"Let me review it first, then I'll decide." Tumayo ako. "Meeting adjourned." Walang lingong lumabas ako ng silid. Wala ako sa mood sa mga ganitong bagay ngayon, ewan ko ba dito sa sarili.

Ramdam ko ang mga paang nakasunod sa akin. "Ma'am okay lang po ba kayo?" Rinig kong tanong ng sekretarya. "Noong isang linggo pa ho kayo ganyan." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. I turn to face her.

"What?" I ask coldly. Yumuko siya na tila ba natatakot. "Bakit ganyan ang itsura mo? Mukha b'ang kakainin kita?" I sigh. "Ano nga ulit ang sinabi mo?"

"A-ano po, n-noong isang linggo pa ho kayo ganyan. Parang wala sa sarili." I see her biting her lip. "Lagi po kayong nakatingin sa kawalan. M-may problema ho ba kayo?" Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya. "A-ah huwag niyo pong pansinin ang tanong ko. Sige po m-may gagawin pa ho ako." Aniya bago umalis sa aking harapan. Bumalik ako sa opisina ko tapos ay sumalampak sa aking swivel chair at bumuntong hininga. What the heck is wrong with me? Is this all about what Liam said? Hindi ako dapat naaapektuhan. This is not my usual self!

Kinuha ko ang cellphone sa aking bag ng marinig na nagriring ito. Ipinatong ko sa mesa ang cellphone nang makitang si Jaxon ang tumatawag at tinitigan ko lamang hanggang sa matapos ito sa pagtunog. Ganyan naman lagi, sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko pinapansin ang tawag na galing kay Jaxon at Liam. Kahit nga tawag ng mga kaibigan ay bibihira ko na lang sagutin, lalo na si Jazmin. I just feel awkward. Anong mararamdaman ng kaibigan kapag nalaman niyang nakipaghalikan ako sa kapatid niya? I guess she still has no idea, wala pa rin naman itong nababanggit sa akin. Siguro ay hindi ito ikinukwento ng kapatid sa kanya o baka naman hindi niya lang ako makompronta dahil umiiwas akong lumabas kasama sila ngayon. Sa text nga lang ako palagi sumasagot at sinasabing busy ako sa trabaho na medyo totoo naman.

Muling nagring ang cellphone, ngayon ay si Scarlett naman ang tumatawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ba iyon pero aaminin ko namimiss ko na rin ang mga ito lalo na ang kadaldalan at kakulitan nila ni Venice. Inabot ko ang cellphone para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Oh my God! Sa wakas sumagot ka rin!" Kahit nakakarindi ang boses nito ay napapangiti pa rin ako.

"Bakit? Anong kailangan mo?" Walang gana kong sagot.

"Ito naman, parang walang kabuhay buhay!" I imagine her pouting her lips on the other line. "Ikaw ha, nagtatampo na ako sa'yo-- kami actually. Sana naman sumama ka na lumabas mamayang gabi! Last week ay absent ka, sige ka i-kikickout ka na namin sa grupo kapag hindi ka nagpakita mamaya." Banta niya kaya natawa ako.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon