Chapter 18: Busy Bee

1.1K 28 0
                                    

A/N:

Guys sorry kung laging matagal ang update. Minsan kasi alam niyo yung nasulat mo na pero pag binasa mo ulit parang di sapat or parang di mo bet kinalabasan. Ganun ang feeling, pero sige ipupush ko na rin tutal naman pakiramdam ko makapal na balat ko from nega comments haha! Natutuwa ako sa sarili ko kasi pag nakakatanggap ako ng di magandang comments sa previous stories eh wala na akong pake ngayon lol. Anyway, here's the update after almost a month. P.S wala akong maisip na title lololol.

CHAPTER 18

Kasalukuyan akong nasa opisina ngayon, nakaupo at sa mesa sa aking harapan ay puro paper works. Ang iba kailangan ng last minute approval, malapit na kasi i-release ang bagong lipstick range ng W beauty kaya naman masyado na naman akong abala sa trabaho. Ayoko naman magreklamo dahil mas okay na rin itong maraming ginagawa kaysa nakatunganga sa bahay. Stress na ako sa trabaho pero mas lalo akong naiistress dahil walang tigil sa pagtunog o vibrate ang aking cellphone. 'Di ko naman kasi ito ma-silent dahil baka may emergency na tawag akong matanggap ng hindi ko namamalayan. Muli ay naramdam ko ang vibration nito kaya naman agad ko itong tinignan, nainis lang akong muli ng magrehistro sa screen ang pangalan ni Liam. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Parang 'di marunong makaramdam. Unang-una, bakit ba siya tumatawag? Pangalawa, hindi niya ba naisip na baka abala ako sa trabaho? At pangatlo, wala ba siyang sariling trabaho na pwedeng pagkaabalahan? Huminga ako ng malalim at kahit naiirita ay sinagot ko na lamang ang tawag para na rin matigil na siya.

"Hello?" Pagalit kong bungad, wala na akong pakialam kung masungit ba ang kalalabasan ko sa paningin niya dahil ganun na naman ako kahit noong una niya akong makilala.

"Hey-"

"Liam, sorry ha pero busy kasi ako, wala akong oras makipagchikahan sa kahit kanino ngayon." Mataray kong saad sa kanya.

"Ohh... sorry." Bakas sa tono ng boses niya ang pagkadismaya, hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa. "I just wanted to ask you out for dinner tonight." I roll my eyes when I hear it.

"Pasenya ka na, ayoko talagang magsungit sa'yo, but I'm just getting stressed out." I try my best to calm myself down by taking a deep breath, and it actually works. "Kaya please, next time ka na lang mangulit okay?"

"Sorry. Hindi ko naman alam, don't worry hindi na muna ako mangungulit." I hear him chuckle on the other line. Bakit ba kahit sungitan ko siya ay parang wala lang sa kanya? Ibinaba na niya ang tawag kaya naman muli ko itong ipinatong sa mesa tapos ay kinuha naman ang mga papeles para basahin. Hindi pa man din ako tumatagal ng isang minuto sa ginagawa ay muling tumunog ang aking cellphone kaya naman hindi ko mapigilan na mairita. Bakit ba ang kulit ng Liam na 'to? Kinuha ko ang cellphone at sinagot ko ito habang nakatitig pa rin sa mga dokumentong hawak.

"Ano ba, akala ko naintindihan mo na, na busy ako?" Pasigaw kong bungad dito.

"Well, I didn't know." Kumunot ang aking noo nang mapagtanto na ibang boses ang nasa kabilang linya, inangat ko ito mula sa tenga para tignan. Stupid Amethyst! I bite my lip. This is so embarrassing!

"Sorry, Jaxon. Akala ko ikaw 'yung nangungulit sa akin kanina pa." Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

"I understand, you sound stressed out to be honest." I fall silent, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nahihiya ako sa naging outburst ko. Bakit ba kasi napaka tanga ko? Titignan lang ang screen 'di pa magawa. "Tumawag lang ako para itanong kung makakapunta ka pa sa usapan natin, kasi sabi mo nga sa akin kagabi ay magiging busy ka." Saka ko lang naalala na oo nga pala, mayroon kaming usapan para mamaya.

"But if you really are busy, it's alright. What's the use of internet or e-mail these days if I wouldn't use it?" May point naman siya, pero mas okay din kasi yata na makita ko ang house plan ng kasama siya para maayos din kaagad kung mayroon ba akong gustong mabago.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon