Chapter 39: Love

1.2K 33 1
                                    

CHAPTER 39

Halos lahat ng nasa aking paligid ay abala sa kanilang mga ginagawa. Habang ako naman ay hindi mapakali dahil hindi pa rin sinasagot ni Jaxon ang aking mga tawag. Katatapos lang ng kasal ni Emerald at mamayang gabi naman mag-uumpisa ang reception. Ngayong araw ko rin ipapakilala ang boyfriend sa aking mga magulang.

"Amethyst, what are you doing here? Mamaya pa naman ang party." Tanong ni Mommy nang makita niya ako.

"May hinihintay lang ako, Mom." Nagsalubong ang kanyang kilay. "Sabi ko naman sa inyo may inimbita ako." Gusto ko sanang sabihin na hinihintay ko ang date ko para mamayang gabi pero 'di pa rin kasi nila alam na may boyfriend na ako.

"Oh siya. Babalik na ako sa kwarto para magpahinga." Paalam niya sabay tapik sa aking balikat.

Wala pa ring sagot si Jaxon sa mga text at tawag ko kaya naman lalo akong nag-aalala. Medyo malayo kasi itong venue ng kasal kaya 'di ko alam kung may ideya ba siya kung saang banda ng Pilipinas ito. Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas sa screen ang kanyang pangalan, kaya naman agad kong sinagot ang tawag.

"Nasaan ka na?"

"I just got here."

"Dito ako sa may dalampasigan, hanapin mo ang sinisetup na venue ng reception. Nandito ako nakatayo." Nang matanaw ko ang binata ay agad ko siyang kinawayan saka dali-daling nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Thank God, you are finally here."

"I wasn't familiar with the place." Expected ko na iyon lalo na't ang tagal niya rin nanirahan sa U.S.

"Let's go, you need to get changed." Hinawakan ko ang kanyang kamay pero natigilan ako nang maramdamang malamig iyon. Tinignan ko siya tapos ay binigyan ng nakakalokong ngiti. "You are nervous!" Nagpipigil na tawa kong wika. 'Di siya nagsalita, mukhang tama naman ang hinala ko.

"Now look who's anxious meeting his girlfriend's family. Are you scared of my Dad?" Pagbibiro ko sa kanya. "Takot ka sa kung anong reaksyon ng Daddy ko 'no? Lalo na 'pag nalaman niya na hindi lang pala ang bahay namin ang tinatrabaho mo kundi ang prinsesa din niya?" 'Di ko mapigilan ang tumawa. Ang sarap niyang lokohin. His face tenses, looks like he's really nervous. "Joke lang!" Kinurot ko siya sa pisngi. "You know my Dad. Mabait iyon."

He sighs. "Yes, he's nice until he finds out I'm dating his youngest."

Sumaglit kami sa aking suite upang makapag-ayos at palit ng damit. Madilim na nang magsimula ang reception. Lumapit kami sa aking mga magulang nang magkalingkis ang aming mga braso.

"Architect, I didn't know you're going to be here." Bungad ni Daddy paglapit namin. Nakita kong sumulyap siya sa magkalingkis naming braso ng binata.

"Good evening, Sir." Bati ni Jax. Humiwalay ako sa kanya saglit para halikan sa pisngi ang mga magulang.

"Mom, Dad, I invited Jax, I hope you don't mind."

"It's okay hija, walang problema sa amin iyan ng Daddy mo, right hon?" Sumulayap ito kay Dad at tumango naman ito biglang sagot.

"Kilala niyo na naman si Jaxon. But I want to introduce him as my date and boyfriend." Parehong nagulat ang aking mga magulang pero agad ding nagbago ang reaksyon ng aking ama.

"We need to talk later, Architect. But for now, enjoy the party." Seryosong wika ni Daddy tapos ay tinapik si Jaxon sa balikat bago umalis.

"Is he okay, Mom?" Di ko maiwasang mag-alala.

"I'm sure he'll be fine. Baka nag-iinarte lang iyang ama mo." Sagot ni Mommy sa akin. Bumaling ito kay Jaxon. "Hijo, enjoy the night, okay? See you around." Nakangiting saad nito bago kami iwanan.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon