Chapter 14: Knight

1.2K 30 2
                                    


CHAPTER 14

Ngayong araw ay kailangan kong pumasok  ng maaga sa opisina para makipagmeeting sa kung anong klaseng packaging o design ba ang ilalabas ng W Beauty para sa upcoming releases. Pagpasok sa meeting room ay napansin ko na halos kumpleto na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. Kung nagtataka kayo kung bakit masyado akong hands-on sa company, ito ay dahil ako ang CEO. Sa akin kasi ipinamana ni Mom ang posisyon niya halos tatlong buwan na rin ang nakalilipas kaya naman hindi pa rin ako masyadong sanay. Habang si Emerald naman ang may hawak ng Wilson Fashion dahil mas mahilig siya sa mga damit.

Nang matapos ang pang-umagang meeting na iyon ay dalawang magkasunod na meeting pa ang pinuntahan ko, tungkol naman ito sa advertising at sa production. Hindi ko na nga namalayan na mag-aalas sais na pala ng gabi. Alas otso pa lamang ng umaga ay nagsimula na ang mga magkakasunod na meeting na iyon.

Pagkalabas ko ng building ay may isang pamilyar na matangkad na lalaki akong natanaw. Nang makita niya ako ay hindi na niya ini-alis pa ang titig sa akin na sinabayan pa ng malapad na ngiti. Habang papalapit ako sa kanya ay mas lalo kong napapagtanto na isa siya sa mga lalaking naka-date ko.

Sturdy jaw line, pointed nose, chinky eyes, thick brows... Shit, sino nga 'to? Hindi ko mapigilang kagatin ang aking labi, hindi ko talaga maalala ang pangalan niya. Sa dalawampu't walong lalaking 'yun, maalala ko pa ba isa-isa ang pangalan nila? Saka malimit ang ilan sa kanila ay dalawang linggo ko lang naka-date. Siguro mas mabuti ay lampasan ko na lang na para bang hindi ko siya nakikita.

Hindi pa man din ako nakakalapit sa kanya ay kumaway at ngumiti ito sa akin bago ako tawagin. "Amethyst!" Oh shit. I try to compose myself. 

"Hi." I smile at him. Here comes awkwardness.

"Kamusta?" Anito na akala mo naman ay kilalang-kilala ako, eh siya nga hindi ko na matandaan ang pangalan. "I can't believe I'll see you again, after..." natigilan ito na tila ba iniisip ng maigi kung kailan ang huli naming pagkikita. Too bad, I can't even remember it myself. "I think 3 years? 2 years?"

I clear my throat, ayoko man gawin ito pero ayoko naman magpanggap na tanda ko pa ang tungkol doon. Yes, his face is definitely familiar, pero hanggang doon lang iyon.

"I'm sorry. Marami na kasing nangyari sa buhay ko." I pause. "Sino ka nga ulit?" Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya at hiya. "I don't mean to offend you. But I really don't remember you. Alam mo naman marami akong nakikilalang ibang tao sa araw-araw. 'Yung mga tao ngang nakilala ko kahapon hindi ko na agad tanda ngayon." I laugh awkwardly.

"Sorry. I'm Paul. We've dated for quite a while before."

"Oh yeah right. Paul!" Finally, I'm able to recall him. The half Filipino, part Chinese and part German. The heir of a Pharmaceutical Company. He looks nice and gentleman outside but a total fuckboy! He would often ask for nude pictures, but thank God there's internet! He's actually so stupid for not finding out that the pictures I sent to him were all from the web.

"You know what, all these years, I can't get you out of my head." He leans his face close to mine. 'Di ba, fuckboy na fuckboy si kuya!

Automatic na tumaas ang isang kilay ko. I'm so sick and tired of their styles. Pakisabi nga sa mga douchebag na 'yan na baguhin naman nila porma nila. "You know what..." I say in a seductive tone. "All these years..." I put my index finger on his lips. "I never thought of you." Sabi ko tapos ay itinulak ko ang kanyang mukha palayo sa akin. Kairita!

Nilagpasan ko siya pero naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. My God, ayaw tumigil? Muli akong lumingon sa kanya. Ayan pa rin ang inosente niyang mukha na 'di mo aakalaing gago pala sa loob-loob niya.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon