Chapter 31: Little bit of Drama

1.1K 35 11
                                    

CHAPTER 31

"Can I go home?" Wika ko sa kalagitnaan ng bumabalot na katahimikan sa aming paligid. Simula nang dumating kami dito sa opisina niya ay hindi na siya nagsasalita, sa halip ay umupo siya sa kanyang swivel chair at tila ba nakaharap sa kawalan. Mukhang nakuha ko naman ang kanyang atensyon dahil lumingon siya sa akin. Pero wala akong mawaring reaksyon sa kanyang mukha.

"Medyo kanina pa tayo dito. It's getting late. I think I should go." Akmang tatayo na ako nang sa wakas ay magsalita na siya.

"Please stay." Dahil sa sinabi niya ay bumalik ako sa pagkakaupo.

"Jax, I feel like I should just leave you alone so you can have a peace of mind. I feel like that woman still affects you and I don't think I can help you with that." Iritado kong sagot sa kanya.

"I'm sorry. I-i was just surprised to see her here." He looks at me, sadness is written in his eyes. He forces out a smile. "Anyway-"

"I have to go." I cut him off. Pinilit kong ngumiti kahit sa totoo lang ay medyo naiinis na talaga ako. "Pagod na ako, Jax. Kung ano man ang dahilan kung bakit mo ako dinala dito... sa susunod na lang siguro natin ituloy?" I say as calm as possible. Muli ay tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo. Nakita kong naging alerto siya at tumayo rin para harangan ako.

"I'll drive you home."

"No, I'm good. Magtataxi na lang ako pabalik sa opisina para kunin ang kotse. Saglit lang naman 'yun." Nilagpasan ko siya pero agad niyang hinawakan niya ang aking braso.

"Are you upset?"

"I'm not. I'm just tired." Umiiling kong sagot. Again, I force out a smile to conceal my own frustration. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"See you next time. I have to leave." Malamig kong saad sa kanya.

"Let me drive you home." Muli siyang humarang sa aking daraanan. "I insist.' Kaunti na lang talaga ay mapupuno na ako, at hindi ko alam kung bakit ba ako naiinis.

"Jax, you don't have to. Bakit, nagiguilty ka ba na iniisip mo pa rin ang ex mo habang kasama mo ako?" I'm surprised at myself. I don't know why it comes out from my mouth! Nakita ko sa kanyang mukha na nagulat siya sa mga binitawan kong salita.

"What did you say?" I look at him, sort of speechless. Words can't come out of my mouth this time. Ilang segundo rin kaming nakatitig sa isa't-isa hanggang sa nahanap ko na rin ang tamang linyang isasagot sa kanya.

"I'm tired. I wanna go home. May maaga akong meeting bukas." Pagsisinungaling ko habang pinipigil na mainis.

"You're pissed." He tells me as if he sees right through me. I roll my eyes. Bakit ba pinapahaba pa namin itong drama namin na ito? Gusto ko lang naman ay umuwi na para makapagpahinga at para pakalmahin ang sarili dahil naiinis talaga ako sa nangyayari ngayon.

"Yes. I am." Sagot ko dahil 'di ko na mapigilan ang sarili.

"Because of Liv?" Medyo tumaas ng tono ng kanyang boses.

"I'm pissed because I'm tired, and you keep wasting my time! I don't fuckin' care if you still think of your ex-fiancée!" I storm out of his office, not looking back. Ewan ko ba kung bakit naiirita ako. Maybe I'm PMS-ing, if that's even a word.

Nasa labas na ako ng tower, naghahanap ng mapaparang taxi nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako sa direksyon ng boses. Nakita kong humahangos palapit sa akin ang isang pigura.

"What are you doing here?" Nagtatakang tanong niya habang hinihingal pa. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo matagal din kaming hindi nagkita, and he looks quite different.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon