Chapter 50: Verdad

1.1K 42 15
                                    

CHAPTER 50

Nagising ako sa kaluskos sa loob ng kwarto. Pagmulat ng mata ay agad kong napansin ang nakaayos na si Jax. Sa pagkakatanda ko ay weekend ngayon kaya imposibleng may trabaho siya.

"Where are you going?" Tanong ko kahit na inaantok pa. Nakangiting tumabi siya sa akin sa kama.

"I'm just going to collect Wyatt." Dahil sa narinig ay tuluyan nang nagising ang aking diwa at bumangon para umupo sa kama. "I was thinking of bringing him home since you are here." He looks really excited to spend time with that kid. Ano kaya ang mararamdaman niya kung malaman niyang hindi pala sa kanya ang batang iyon?

"You look really excited. You already miss him?"

Tumatangong sumagot siya. "Yeah. Before, I only do my usual stuff on weekends, but now I always look forward to it because of him." Kita ko ang saya sa kanyang mga mata. "I hope it doesn't make you jealous." He chuckles.

"No. It's fine. He's your child. You have responsibility." I actually hope he's yours because I don't want to see you being crushed. Pilit akong ngumiti.

"I have to go, babalik din ako agad." Paalam niya bago ako halikan sa labi at tuluyan iwan mag-isa sa penthouse.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magshower. Matapos kong makapag-ayos ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng agahan. Mag-aalas nuebe pa lang naman ng umaga at sa tingin ko hindi pa kumakain si Jax kaya gusto kong ipaghanda siya para naman pag-uwi niya ay may makain siya.

Nagluto ako ng Tortilla Española; na sa wakas ay nagawa ko rin ng ayos. At pan con tomate. Nalaman ko lang na paborito pala ito ni Jaxon na agahan dahil kay Jazmin. Ito daw kasi ang inihahanda madalas sa kanila noong bata pa. Sa Barcelona, Spain kasi sila ipinanganak at lumaki. Hindi ako sigurado pero tumira sila doon hanggang walo o siyam na taong gulang si Jax.

Pagkatapos kong magluto ay inayos ko naman ang dining table at isa-isang nilagay ang mga plato, pati na rin ang mga pagkain. Pero dahil wala pa naman ang boyfriend ko ay dumiretso muna ako ng sala upang doon siya hintayin. Sa aking magkabilang gilid ay nakahinga ang dalawa kong aso. Si Snow ay higit na mas malaki na rin kay Spice kahit na apat na buwan pa lamang siya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya naman dali-dali akong tumayo upang salubungin si Jax. Sa kanyang likuran ay ang isang babae na sa tingin ko ay nasa early 30's lamang, ang nagtutulak ng stroller. Sa uniporme pa lang ay masasabi kong siya ang nanny ng bata.

"Medyo natagalan ka yata sa pagsundo?" Wika ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko kasi ay pasado alas otso lang nang umalis siya, eh mag-aalas dose na ngayon.

Bahagya siyang ngumiti. "Liv and I had a little argument."

"What was it about?" Sumulyap ako sa walang muwang na bata na ngayon ay tahimik lamang sa stroller.

"Ayaw niya kasing dalhin ko dito ang bata lalo na't nalaman niyang nandito ka." Tinignan ko ang nanny at napagtanto na malamang ay ipinasama ito ni Liv, siguro ay para bantayan din ang kilos ko lalo na't alam ko ang totoo.

Hindi naman ako manghihimasok sa buhay nila. Kung mayroon man dapat na magsabi ng totoo ay siya iyon kahit na gustong-gusto ko na rin ilabas ang nalalaman ko. Alam ko na wala akong pruweba pero ayon na rin sa reaksyon ni Liv alam kong totoo ang sinasabi ni Ian noong nakaraan.

"Do you want to eat? I prepared something." Pilit akong ngumiti at ibahin ang usapan. I want to divert the topic so I wouldn't spill anything to him.

Kumain kami at pagkatapos ay agad niya rin nilaro ang bata. Kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha habang nilalaro ang inosenteng si Wyatt. Sa kacute-an ng batang iyon ay imposibleng hindi ka mapamahal kahit na anak siya ng ibang tao. Kahit ako ay napapangiti sa tuwing tatawa ito at tila nakikipag-usap. Natigil na lang si Jaxon nang kunin ng nanny nito ang bata upang magsiesta.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon