Chapter 3: Familiar Face

1.8K 45 0
                                    


CHAPTER 3

Sama-samang kumain ng agahan ang pamilya Gonzalez. Pagkatapos kasi ng matagal na panahon ay halos nabuo rin sila, Ngunit wala ang panganay na anak dahil ito ay may sarili nang pamilya at nakabase na Italya.

"Good Morning everyone!" Masayang bati ni Jazmin sa kanyang magulang at dalawang nakakatandang kapatid na lalaki. Agad din itong umupo sa tabi ng kapatid na si Jaxon dahil malapit ang loob ng dalaga sa kanyang nakakatandang kapatid na iyon kaysa kay Jace.

"I'm happy na magkakasabay tayong kakain ngayon. Sayang lang wala ang ate niyo." Medyo malungkot ang tinig ng kanilang ina dahil sa nararamdaman na pagkamiss nito sa panganay na anak.

"At least kuya Jax is finally here. Almost 10 years ka rin sa New York, right?" Masayang sabi ni Jaz. Tumango lang ang kapatid. Halos sampung taon din itong nawala sa bansa dahil doon niya pinagpatuloy ang pag-aaral at doon na rin piniling magtrabaho.

"Jaxon. How's Liv? Are you already planning for the wedding? Gusto ko sa Pilipinas kayo ikasal." Suhestiyon ng ina nito, ang tinutukoy niya ay ang fiancé ng binata. Ngunit hindi pinansin ni Jaxon ang kanyang ina, at agad na binago ang usapan.

"Dad. I've heard you're very much busy with our company? Maybe you need some help from me." Nakangiting saad nito sa ama.

"Hanggang kailan ka ba dito?" Kunot-noong tanong ng kanyang ama. Alam niya kasing may trabaho pa sa ibang bansa ang anak.

"I'll stay here for good. Hindi na ko babalik sa New York." Pilit itong ngumiti sa harap ng pamilya habang nagtataka naman ang mga magulang at mga kapatid sa sagot ni Jaxon.

"Wait, kuya. Why? May trabaho ka pa doon 'di ba?" Sunud-sunod na tanong ni Jazmin na bakas sa mukha ang pagkagulat.

"I resigned. Boring sa New York."

"Hindi ka na babalik doon? How about Liv? Babalik rin ba siya dito sa Pilipinas?" Naguguluhang tanong ng ginang.

"I-i broke up with her, ma." Malungkot na pahayag ni Jaxon dahilan upang magulat ang lahat sa sinabi nito. Ang alam kasi nila ay mahal na mahal nito ang kasintahan.

"Are you serious, Jaxon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jace sa kapatid, pero hindi ito sumagot at nanatili lamang itong tahimik sa kinauupuan niya.

"What happened, hijo? You can tell me." Nag-aalalang saad ng kanilang ina.

"Long story, mom." Pagkasabi nito ay agad na tumayo ang binata "I'm done eating. Babalik na ako sa kwarto ko." Halata sa tinig nito ang kalungkutan. Agad itong umalis habang nagkatinginan na lamang ang mag-asawa na bakas sa mukha ang pag-aalala sa sitwasyon ng anak.

"I'll talk to him." Tumayo si Jazmin para sundan ang kapatid. Alam niya na maaaring sa kanya magkwento ang kapatid dahil na rin malapit sila sa isa't-isa. Agad siyang kumatok sa pinto ng at binuksan ito kahit wala pang pahintulot. Inabutan niyang nakaupo ito sa kama at may hawak na libro na tila ba ay nagbabasa.

"Kuya, you can tell me."

"What?" Taas kilay nitong tugon sa kanya.

"Your problem. You can't deny it. Tell me why did you break up with her? I know how much you loved her."

Isinara nito ang hawak na libro at ipinatong sa kama. "Jaz, halos anim na buwan na kaming wala ni Liv." Huminga muna ito ng malalim bago nagsalitang muli. "She cheated on me... with Ian"

"What?" Hindi makapaniwala si Jazmin sa kanyang narinig. "B-but Ian is your bestfriend!"

"Let me rephrase that. He was my bestfriend. He betrayed me. They betrayed me." Pinigilan nitong maluha sa harap ng kapatid.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon