Chapter 28: Out of Town Date

1.2K 33 7
                                    

CHAPTER 28

Nasa loob ako ng opisina habang naghihintay ng tawag at text mula kay Jaxon. Kung 'di siguro nag-overtime ang ilang empleyado ay malamang mag-isa na lang ako sa floor na ito dahil kanina pa tapos ang working hours. Sinulyapan ko ang kulay purple na maleta sa aking tabi. Just to be clear, hindi ako makikipagtanan. Jaxon invited me on an out-of-town trip this weekend, dahil takot naman daw ako makipagdate sa kanya dito sa Manila dahil baka may makakita sa amin kaya siya na ang mag-aadjust. Hindi niya sinabi kung saan niya ako dadalhin, basta ang alam ko lang, outside the metro. Pagbibigyan ko na dahil tama naman siya, tuwing lalabas kami dito sa Manila ay lagi kaming naka-disguise, talo pa namin ang celebrities na hinahabol ng paparazzi.

Tumingin ako sa suot na wrist watch, mag-aalas siete na ng gabi. Sana naman hindi siya magcancel na lang bigla kundi madidismaya talaga ako. Aaminin ko medyo excited ako dahil matagal na ang huli kong pag out-of-town, saka mabobored lang ako sa bahay.

Nitong nakaraang linggo ay pumunta kami ng isang music festival, hindi ko akalain na mahilig din pala siya sa ganung klase ng bagay. I honestly quite enjoyed his company. I realize that going out with him is actually not a bad idea. Magaan siyang kasama at masayang kausap kaya hindi ako nabobored.

Nagring ang aking hawak na cellphone, sa wakas ay tumatawag na si Jaxon. Agad ko itong sinagot. "I'm on my way to pick you up. Anong floor nga ulit ang opisina mo?" Bungad niya sa kabilang linya. Napatayo ako mula sa kinauupuan, mukhang nandito na siya sa building.

"Nandito ka na ba? Ako na lang ang bababa."

"I'm currently at the lobby."

"Oh sige, just wait for me." I hang up the phone then gather my things. Paglabas ng opisina ay mga empleyadong nag-overtime ang bumungad sa akin. Lahat sila ay subsob sa kani-kanilang desktop screens. I pass through them quietly until I reach the elevator.

Hindi naman nagtagal ay nakababa na ako sa ground floor, mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang lobby kung saan nakatayo ang naghihintay na si Jaxon. Nakasuot siya ng plain navy-blue hoodie, pants at sneakers. Sa kabilang bahagi siya ng lobby naka tingin kaya hindi niya ako napapansin. Malapit na ako sa kanya nang sakto ay lumingon siya sa aking direksyon. Ngumiti siya nang makita ako, hindi na ako umangal ng kunin niya mula sa akin ang dalang maleta.

"Sorry, natagalan ako medyo late kasi ang client na ka-meeting ko kanina." Paliwanag niya.

"Ayos lang, ang importante ay hindi ka nagcancel the last minute." Pagbibiro ko tapos binigyan siya ng nakakasaar na ngisi. Noong nakaraang araw kasi ay ganyan ang nangyari, bigla siyang nagcancel dahil may biglaang meeting daw siya.

He smiles sheepishly at me. "Joke lang." I nudge him. "Uy wag mong seryosohin. Bumabawi ka naman ngayon eh." I pinch his cheeks. Ang cute niya rin pagtripan minsan. Tumigil siya sa paglalakad.

"Masakit na." Reklamo niya kaya itinigil ko na ang pagpisil sa kanyang pisngi. Saka ko lang napagtanto na masyado akong nagiging komportable kapag kasama siya. Hindi ko yata matandaang ganito ako sa mga naka-date ko noon. Before, I always use a mask, I show a different personality. I'm not myself when I was with those guys before, unlike now.

"Sorry naman." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa pagtorture sa akin ah?" Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya ganun din ako.

"Hindi 'no!" I say defensively, he chuckles. "By the way, where are we heading?" Pag-uusisa ko. Sinulyapan niya ako.

"Secret." He grins. I give him a glare but he seems unbothered by it.

Mabilis namin narating ang kanyang Audi na nakaparada sa parking area. Binuksan niya ang compartment at doon ay inilagay ang aking maleta habang ako naman ay sumakay na. Ikinabit ko kaagad ang seatbelt, dahil baka mamaya isipin niya pa ay sinasadya kong hindi iyon isuot para siya ang magkabit tulad ng ginagawa niya noon.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon