Chapter 36: Is It Over?

1.3K 35 16
                                    

CHAPTER 36

"We're over, Jax." Kahit mahirap at masakit sa dibdib ay binitiwan ko ang mga salitang iyon.

"Sure. It is easy for you. This is what you do anyway, break men's heart. Dump them." He scoffs. I give him a bitter smile.

"You think it's easy for me? Well, Jaxon you are completely mistaken." Huminga ako ng malalim para pigilan pa ang mga luhang babagsak. "You have no idea how hard it is for me to say it now." I look at him in the eyes. "Noon, oo. Madali para sa akin na tapusin ang kung anong mayroon sa amin ng mga lalaking naka fling ko dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanila. But it's totally different now, Jax." He looks at me, waiting for my next words. "It's hard because I think I'm already falling for you." Pag-amin ko.

"Oh. My. God." Napalingon ako, it's Scarlett with Jazmin and Venice, watching me confessing to Jaxon. I'm totally damned. Tumakbo ako palayo, hanggang sa aking Villa. Ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa lalo na't naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Bukod pa doon ay alam na ito ng aking mga kaibigan. Natatakot ako sa mga pwede nilang ibatong salita sa akin. Umupo ako sa isang gilid habang yakap ang mga tuhod at umiiyak. Bakit ba napaka bigat nito sa pakiramdam?

Tumunog ang doorbell na sinundan ng sigaw galing sa labas. "Amethyst, open the door we want to talk!" Boses iyon ni Jazmin.

"Bes, whatever it is that you're feeling now, you can tell us!" Si Venice. Kahit nagdadalawang isip ay tumayo ako upang buksan ang pinto. Kahit nahihiya ako ay kailangan ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob. Pinunasahan ko ang mga luha sa aking pisngi at inayos ang sarili. Nagpipigil ng luha ko silang hinarap. Mabilis akong niyakap ni Jazmin.

"Hey, you can talk to us." I pull away. "We are your bestfriends you can tell us everything and we won't judge you." Dagdag pa niya. Umupo ako sa kama, ganun din si Jazmin at Scarlett habang si Venice ay umupo sa lapag.

"Okay, girl, first of all why didn't you tell us about you and Jaxon?" Maarteng wika ni Scarlett.

"Yes. Like, girl, gaano na katagal?" Singit naman ni Venice habang si Jazmin naman ay nakatitig lang sa akin na naghihintay ng aking sagot.

"I'm sorry, okay? 'Di ko naman kasi alam na aabot sa ganito." Halos bulong na sabi ko. Tumingin si Scarlett kay Jazmin.

"Wait, Jaz. Kanina ko pa napapansin, you don't look surprised. Don't tell me you knew about this?" Nagulat ako nang sabihin niya iyon pero may punto siya. Mukhang hindi nga nagulat ang kaibigan tungkol sa amin ng kanyang kapatid.

Tumingin si Jaz kay Scarlett at Venice tapos ay sa akin bago bumuga ng hangin. "I-i already felt something was going on." Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig. "Noong soft opening ng restaurant ni Kuya Jace, pagkatapos umalis ni Kuya Jax ay nagpaalam din si Amethyst. Binisita ko si Kuya nang gabing iyon, pagpasok ko pa lang sa penthouse naamoy ko na ang paborito mong Chanel No 5 perfume na gamit mo noong gabing iyon. Bukod pa doon napansin ko ang bag mo sa living room area pati ang hoodie na dala mo." Of course! Jazmin knows, she's always observant. "I'm just not confronting you because I want it to come from you."

"Alam mo kung paano ako sa mga lalaki, Jaz. Hindi ka natakot na sasaktan ko ang kapatid mo?"

Umiling siya. "You only hurt the fuckboys. I'm sure you know my brother isn't like that, you wouldn't hurt him." She smiles softly. "So, kailan pa?"

"Five months ago."

"No way!" Napatayo si Venice mula sa pagkakaupo. "Ganun na katagal pero hindi mo manlang nakwento sa amin?"

"Wait, few months ago you said you were going out with a guy and you wanted to reject him but you couldn't hurt him because he's nice." Dagdag ni Scarlett.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon