CHAPTER 23
Laking gulat ko ng bumungad ang gwapong mukha ni Jaxon sa akin. Wala na itong suot na tuxedo jacket. He looks so damn good.
"Hindi mo ba alam na ganyan talaga ang style ng damit na 'to." Paliwanag ko. Ngumiti siya.
"Alam ko. Pero ayokong pinagtitinginan ka ng mga lalaki dahil diyan sa suot mo." I suddenly feel butterflies in my stomach because of what he says. "Don't you know he's staring at you?" Turo niya doon sa lalaking manyak kanina. "Kung hindi pa ako dumating baka binastos ka na niya, knowing his reputation. Alam mo ba na ilang beses na siyang kinasuhan ng sexual assault? Dahil lang sa pera kaya siya nakakalusot." Nanlalaking matang tinignan ko si Jaxon ng mapagtanto na siya ang lalaking pumagitna sa amin noong manyak.
"Where's Liam?" Tanong niya. "Iniwanan ka niya dito?"
"Pinatawag daw ng Mama niya. Sabi niya mabilis lang daw siya." Kumunot ang kanyang noo.
"Knowing his mother, mamaya pa matatapos ang usapan nila. Let's go. I don't like the way guys stare at you here." He holds my hand and it sends electricity all over my body. What the heck?
"Hey, Architect Jaxon." Bati ng isang babaeng nakasalubong naming. Maganda ito, mas maliit lang ng kaunti kumpara sa akin. Nakasuot siya ng black strapless gown, pero grabe kung makapush ng cleavage. "I'm glad to see you here." Aniya sa malanding tono na halatang humaharot lang-- which is making my blood boil and I don't know why.
"Good to see you here, Engineer Tan." Biruin mo Engineer pala ang maharot na babaeng ito.
"Where's your Tuxedo Jacket?" Kunot noong tanong ng dalaga habang marahang hinahaplos ang balikat ni Jaxon. I can tell she's lusting over him. Sa wakas ay napansin ako nito. "Oh." I hear her mumble under her breath when she realizes his jacket is covering my upper body. Nakita ko ang pag-irap nito sa akin bago muling balingan ang katabi kong si Jaxon.
"Where are you going? Nagsisimula pa lang ang party." Katulad kanina ay may halo pa ring kalandian ang tono ng boses ng dalaga. She's even acting like I don't even exist!
"Magpapahangin lang. See you around." Paalam ni Jaxon bago ako hilahin palabas ng Function Room. 'Di ko mapigilang sumulyap sa babaeng iyon, nakatanaw lamang ito sa amin na halatang dismayado na wala siyang napala kay Jaxon.
"That woman is so into you." Inis na saad ko pagpasok namin ng elevator. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay ng mapansin ito.
"Who?" He asks nonchalantly.
"That Engineer."
"Really?" Inangat ko ang tingin sa kanya.
"How come you didn't notice a woman flirting?" Sakto ang tumigil ang elevator sa ground floor. Naging mabilis ito dahil wala kaming ibang nakasabay. Muli ay hinawakan niya ang aking kamay. Why do I feel something in my stomach and chest everytime he does that?
"I don't think she was." Sagot niya na parang walang pakialam. Patuloy siya sa paglakad habang ako ay nakasunod lamang.
"Ganyan ba talaga ang nagagawa kapag masyado kang faithful sa girlfriend mo ng halos isang dekada?" Sabi ko kaya naman huminto siya sa paglalakad. Oh damn, is he mad? I bite my lip. Bakit ba kasi binanggit ko pa ang tungkol doon? Ramdam ko na bumilis ang kabog ng dibdib ko, sa tingin ko ay na-offend ko siya. Kasi naman itong bibig ko!
Lumingon siya sa akin na may ngisi sa labi. "Akala ko dati cheater ang jina-judge, ngayon pala kahit ang pagiging faithful?" Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi siya galit. Nagsimula itong maglakad ulit kaya sumunod lang ako.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...