Chapter 32: Anticlimactic

1K 31 9
                                    

CHAPTER 32

I don't know why I'm worrying about him and even following him now. I shouldn't care, but I can't help it. He looks upset earlier when he sees his ex-fiancée, kaya mas curious din tuloy ako kung ano ba dahilan ng hiwalayan nila noon.

Ewan ko kung saan na ba ako patungo, basta ang alam ko lang ay kailangan kong makita si Jaxon. 'Di ko rin talaga maintindihan ang sarili, kagabi lang ay inis na inis ako dahil mukhang apektado pa siya sa nakaraan niya pero ngayon naman ay para akong tangang nag-aalala.

Nasa lobby na ako ng matanaw si Jaxon na papalabas ng building. Kahit naka 3-inch heels ako ay pinilit kong tumakbo para lamang abutan siya. Muntik na nga ako matapilok dahil sa isang tile.

"Jax!" Sigaw ko kaya naman tumigil siya sa paglalakad upang harapin ako. I see relief on his face.

"Where are you going?" Tanong ko, sa wakas ay naabutan ko rin siya.

"Uuwi na." He shrugs. "I don't have any reason to stay here anyway."

"Soft opening ng restaurant ng kapatid mo."

"Pero sira na ang gabi ko." I suddenly feel a stab here in my heart, not sure why. Siguro ay dahil nandito naman ako pero para sa kanya ay wala namang kwenta ang presensya ko, mas nangibabaw pa rin ang nararamdaman niya para sa ex niya.

"I don't know what exactly happened between you and her, but would you just let it ruin your day?" I really don't know how to comfort a person, so if I don't succeed in making him feel better, now you know why. "Your family's there, your friends are there. You can just pretend she doesn't exist." He looks sternly at me, giving me chills. This is the first time I'm seeing him like that.

"My family loves her." He lets out a sigh. "You would never understand anyway because you don't know anything." Dagdag niya pa bago ako talikuran. I'm honestly shocked. 'Di ko inaasahang tatalikuran niya ako. Pakiramdam ko ay tapak na tapak ang aking ego, pero kahit na ganito ay hinabol ko pa ulit siya hanggang nasa labas na kami ng establisyemento.

"Pasensya na kung masyado na akong nangingialam." Sabi ko habang hinihila ang kanyang braso. "I don't know, because you're not telling me anything!" He stops walking, then looks at me with a blank expression. Inalis ko ang aking kamay sa kanyang braso. I know he's now annoyed at me now. "I'm sorry." Halos pabulong lang iyon na lumabas sa bibig ko. "Sorry, kung sumusobra na ako. I'm just..." I let out a long sigh. "I just want to make you feel better." Finally, his expression softens.

"You don't have to be sorry. It's me. I don't know how to keep my shit." He says. Agad ko siyang niyakap, ramdam ko paghigpit ng yakap niya sa akin. "You sure you want to hug me here? Your friends are just around the vicinity." Bulong niya, at nang mapagtanto ko iyon ay mabilis akong kumalas sa pagkakayakap. There's finally a smile on his face which gives me a relief.

"Kumain ka na?" Pag-iiba ko na lang ng topic. He shakes his head as an answer. "Ipagluluto na lang kita!" Suhestiyon ko.

"Marunong ka magluto?" Tanong niya na tila ba 'di naniniwala kaya hinampas ko siya sa braso.

"Naman! Ano b'ang akala mo sa akin?" Pagyayabang ko. "Ano, gusto mo ba? Don't worry, free of charges. Basta sagot mo ingredients." He smiles and put his arm around me.

"Masarap ba ang luto mo?" Napangiti ako nang makitang nakangiti siya, hindi katulad kanina na akala ko ay buong gabi nang masama ang kanyang mood.

"Oo naman 'no. Aprubado nga ng Daddy ko eh." My Dad is the pickiest person I know when it comes to food, but he always says he likes to eat everything I cook for them. Pero sabagay baka sinasabi niya lang 'yun dahil anak niya ako at ayaw niya akong masaktan. "So ano, payag ka na?" Tanong ko pero kumunot ang noo niya.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon