Chapter 13: Fake It

1.2K 46 12
                                    


Author's Note:

Guys before we start, gusto ko lang magshare ng funny story. So kahapon may naligaw na troll sa trapped by arrangement. So ayun dami niyang hanash na kesyo boring daw, nonsense, walang magandang trait yung bida, as in lahat ng ka negahan na nakita niya. Pero umabot naman siya hanggang chapter 28! (Well who knows kung natapos niya ba or umabot pa sya sa ibang chapters, so far diyan huling comment niya) HAHAHA! I mean, sa mga earlier chapters todo comment na siya ng nega pero tuluy-tuloy pa rin naman siya. Check niyo yung comments niya hahaha joke! So ayun, reply din naman ako ng reply sa kanya kasi natatawa ako, biruin mo dami niya puna sa story pero sige sige lang sa pagbabasa? Kung ako yan di ko na itutuloy kasi di naman maganda. Anyway, hindi ko alam kung maganda lang ba mood ko kahapon, or dahil sa mga nega comments noon ay immune na ako ng very light.  Ang haba na ng chika ko, gusto ko lang talaga ishare kasi nakakatawa siya hahaha.

Guys pwede ba humingi ng 10 votes ipopost ko next chapter pag kumota.

****

CHAPTER 13

"That's a good way to drive someone away." Nakangiti nitong saad sa akin.

"J-Jaxon?" Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito ngayon. "Anong ginagawa mo dito?"

"I'm collecting my sister." Sagot niya kaya naman tumingin ako sa aking cellphone para tignan ang oras.

"Ang aga pa, wala pa ngang alas dose. 'Di ka naman masyadong strict na kapatid 'no?" Kunot-noo kong sabi, siya naman ay tumawa ng mahina.

"No, I'm just kidding! I'm actually hanging out with my friends over there." Turo niya sa may bandang likuran ko na sinundan ko naman ng tingin, malapit sa bar counter ay may grupo ng mga lalaki. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "I saw you here so I thought I would say 'Hi'." Dagdag niya pa.

"I saw my sister and your other friends having fun on the dance floor, so why are you here alone?" Tanong niya.

"I'm just not in the mood right now." Sumandal ako at huminga ng malalim. "Sometimes I just don't understand myself. Gusto kong pumunta dito pero ayoko naman magparty." I don't know why I am explaining this to him.

"I could relate." He smiles, showing his dimple again. God, why does it feel like he's into me? I mean, the way he talks, his simple body gestures, but, hey I don't want to assume things. 'Di naman ako masyadong feelingera.

"Anyway—" Naputol ang aking sasabihin nang may maramdaman akong bumuhos sa akin na likido, at ayon sa amoy nito ay alam kong isa itong alcoholic drink. "What the—" I look up and see a lady—probably same age as mine, or younger. Nakasuot ito ng pulang bodycon dress, at masyadong labas ang cleavage. In short, slutty look.

"What's your problem?" Tanong ko, sa tingin niya pa lang sa akin ay alam kong hindi aksidente ang pagkakatapon nito.

"Oh sorry, I thought you were a trash can. Mukhang ka kasing basurahan." Hindi ko na napigilan na tumayo. Napangisi ako nang mapagtanto ang height difference namin. Sa liit niya ay kaya ko siyang tapakan, but I'm not gonna do that, baka madumihan pa ang Jimmy Choo ko.

"Excuse me, miss, ano ba ang problema mo?" Diretsa kong tanong dahilan para mas lalo niya akong samaan ng tingin.

"I saw you hitting on my boyfriend." Sagot niya, saka ko naalala ang lalaking lumapit sa akin kanina. Another fuckboy.

I cross my arms and snicker. "Oh, boyfriend mo pala 'yun? Excuse me, but he's the one hitting on me." Mataray kong tugon sa kanya, tapos ay ipinaikot ko pa ang mga mata.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon