Chapter 7: Friendship

1.4K 35 49
                                    

CHAPTER 7

I don't think I should reply and ask 'who's this?' obvious naman na siguro kung sino ang nagtext sa akin, but the question is how does he know my number? Oh well, how can I be this stupid? Of course he can always ask his sister!

Pero may bigla akong naalala. Damn it, nakalimutan kong bilhin ang sapatos na pinapabili ni Scarlett! Masyado yata akong nag-enjoy sa mga nangyari kanina. Bahala na nga, anong oras na rin naman kaya imposibleng maabutan ko pang bukas ang mall na iyon kahit mag-effort pa akong umalis ulit ng bahay.

"OMG Amethyst, bakit naman hindi mo binili? Alam mo naman na limited lang iyon!" Sermon sa'kin ni Scarlett ng malaman niya na hindi ko nabili ang sapatos na gustong gusto niya.

"Sorry nga 'di ba. May nangyari kasi kaya hindi ako nakabili kanina." Totoo naman, kung hindi ba naman kasi ako napatid nung lalaking 'yun eh di sana nabili ko ang sapatos. Nagkataon naman na nakasalubong ko pa si Jaxon kaya naman tuluyan ko nang nalimutan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Whatever!" She hangs up the call. Inatake na naman ng pagkaspoiled brat niya 'tong babaeng 'to! Nagshower ako tapos ay dumiretso na sa kama para matulog. Masyadong nakakapagod ang buong araw na wala ka sa bahay.

Nagising ako sa ingay ng alarm ng cellphone. Mag-aalas otso pa lang, pero hindi na ako inaantok pang muli. Bumaba na ako para kumain ng almusal, sakto naman na nakasalubong ko sa hagdanan ang yaya ko, siguradong kakatukin na ako nito sa kwarto kung hindi pa ako bumangon.

"Good morning, Amethyst." Bungad niya sa akin. "Hinihintay ka na ng mommy at daddy mo." Nginitian ko lang siya bago dumiretso sa dining area. Si mommy and daddy lang ang nandito ngayon, wala si Emerald. Nasaan kaya ang impakta kong kapatid?

Umupo ako sa aking paboritong pwesto. "Where's Emerald?" Nakangisi kong tanong. I'm glad she's not here.

"Umalis siya kagabi, sabi niya mag-out of town trip sila ni Greg." Sagot ni mom. Natutuwa ako dahil sa wakas tahimik ang bahay, wala ang bruha. Aba, kung alam niyo lang, nakakapagod din makipag bangayan sa isang iyon.

Mabilis naman akong natapos kumain tapos umakyat na lang ulit ako sa kwarto. Ang aking aso na si Spice ay nakasunod sa'kin. She's so adorable and cute! Lumapit ako sa kanya bago suklayin ang kanyang makapal na balahibo gamit ang aking mga daliri. Kailangan ko na ata ipa-groom ang baby ko, alam niyo naman mainit sa Pilipinas, kahit pa may aircon sa bahay ay minsan hindi nito kinakaya ang init ng panahon, kaya siguradong naiinitan na rin si Spice sa kapal ng balahibo niya.

Kahit maaga pa ay nagpunta na ako sa banyo upang magbabad sa bathtub. Nothing beats a relaxing bath! Kung pwede nga na maghapon pa akong magbabad dito ay ginawa ko na, pero syempre may mga bagay din akong kailangan asikasuhin kahit nandito lang sa bahay. At isa pa may usapan kaming magkakaibigan ngayong araw.

"Nakakainis ka talaga Amethyst Wilson!" Parang batang nagtatantrums si Scarlett sa harap naming tatlo.

"Scarlett, can you please stop? People are looking at us. Stop making a scene here." Naiinis na saway ni Jaz sa kanya.

"Kasi naman! I told her to buy me those shoes, limited lang iyon kaya ayan ubos na, wala na!" Pagmamaktol niya sabay irap sa akin.

"I told you, something happened! Bibilhin ko na sana nang may biglang lalaking baliw na dumating at hinila ako palabas ng store!" I try to explain but she's not listening to me. Lumalabas na naman ang pagiging brat at childish niya.

"Whatever!" She walks out.

"Oops, walang hahabol." Bulong ni Jaz. Hinarangan kaming dalawa ni Venice na hahabulin sana si Scarlett. "Hayaan niyo siya, babalik din yan, nag-iinarte lang para naman hindi pa kayo sanay."

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon