Chapter 10: Your Beautiful Eyes

1.4K 31 11
                                    

CHAPTER 10

Nakabalik agad si Venice dala ang inuutos ko sa kanya. Kumuha ako ng bulak at hydrogen peroxide para linisin ang sugat sa labi ni Jaxon. Dahan-dahan kong idinampi ang bulak sa kanyang labi, nakita kong napapitlag ito.

"We're just going to buy foods. Gutom na rin kasi ako. Kayo? May ipapabili ba kayo?" Tumayo si Jazmin.

"Anything, Jaz. Alam mo naman kung anong gusto ko 'di ba?" Saad ko sa kanya. Sa limang taong pagkakaibigan ay alam na namin ang gusto ng isa't-isa.

"Sige. Uh, let's go girls?" Sabi niya kanila Scarlett at Venice na parang nagtataka ang mga mukha.

"Huh? Saan?" Nagtatakang tanong ni Venice.

"Gutom na kayo 'di ba?" Nakita kong pinanlakihan ni Jazmin ng mata ang dalawa, looks like they have no other choice but to come with her.

"Ah, o-oo gutom na nga kami." Venice laughs awkwardly.

"Then let's go." Hinila ni Jazmin ang dalawa palabas ng studio. Bigla tuloy tumahimik. Tumingin ako sa paligid, napansin ko na wala na palang ibang tao dito kundi kaming dalawa na lang ni Jaxon. Saan kaya pumunta ang mga staff na nandito kanina lamang?I sigh. 

AWKWAAAAAAAAARD!

Napalunok ako. Bakit parang kinakabahan ako? Inayos ko ang sarili at kumuha ulit ng bulak para ipanglinis sa labi niya.

Hindi ko pa man din nailalapat ang bulak sa kanyang labi ay nakita ko na siyang pumitlag. Kumunot ang aking noo. "OA ka. Hindi pa kaya dumidikit." Sabi ko dahilan para tumawa siya.

"Sorry."

Nguso ako, para siyang bata. Umatras ako ng mapansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. I feel a sudden increase in my heartbeat. Huminga ako ng malalim, I don't want to make this even more awkward. Pinapatuloy ko na lang ang paglilinis sa kanyang sugat. I honestly feel bad for his lips.

"Wag ka masyadong tumitig sa labi ko." Saad niya kaya inangat ko ang tingin sa kanya. Sakto naman na nakatitig din pala ang binata sa akin.

His eyes are beautiful. Not just his eyes though, his whole face is really handsome. His brows, eyes, nose, lips and face shape flatter each other. Kahit pa namamaga ang labi niya ay hindi manlang nabawasan ang kanyang kagwapuhan. I can also see a resemblance between him and his brother Jace, but he definitely looks like the younger version of him. I feel like Jace's facial features are making him look a lot matured than Jaxon. Sa totoo lang, kung isa ako sa mga regular na babae diyan na tumitingin lang sa panlabas na itsura ng lalaki, I'd definitely fall for him. Kaso nga lang hindi lang panlabas na anyo ang importante sa akin kundi pati na rin ang personality nito—pero teka, hindi naman ako naghahanap ng boyfriend!

"I like your eyes." We say in unison. Pareho kaming natawa. Ako ang unang umiwas ng tingin.

"But I'm serious. I like your eyes. Is it natural or you're wearing blue contacts?" I guess it's not so hard to notice my eyes because of its color.

I shake my head. "No. All natural."

"Wow."

Ibinalik ko ang tingin sa kanya, "Ikaw? Natural bang hazel 'yan?" Ito kasi ang kulay ng mga mata niya. I like it more than my natural eye color. Parang ang simple kasing tignan at hindi agaw atensyon, pero kapag tinitigan mo ay nagiging kulay green.

"Natural. Thanks to our Spanish blood."

Pareho kaming napalingon ni Jaxon ng may tumikhim sa 'di kalayuan.

"Sweet niyo ha." Venice says in sarcasm. Nagseselos na naman ang bruha. Kanya na si Jaxon kung gusto niya. Teka, akala ko ay bibili sila ng pagkain, wala pa nga yatang limang minuto? O masyado akong naging abala sa pagtitig sa gwapong mukha ni Jaxon? I let out a sigh.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon