CHAPTER 8
Kumakain ng tanghalian ang mga Gonzalez nang biglang lumapit ang isa sa mga katulong nito na dala ang isang wireless telephone.
"Sir Jaxon, telepono po. Si ma'am Olivia daw." Halata sa mukha ng lahat ang pagkagulat at napatingin ang mga ito sa binata. Pati ito ay nagulat din sa narinig. Hindi niya inaasahan ang pagtawag ng dating Fiancée. Hindi niya rin alam kung bakit ito tumawag at kung anong kailangan sa kanya.
"Tell her I'm not around, I'm preoccupied, on a vacation, at work. Basta bahala ka na. Tell her, I'm not around." Utos nito sa katulong saka tinuloy ang pagkain ng tanghalian.
Paalis na sana ang katulong ng tawagin ito ni Jazmin. "Give me the phone. I'll talk to her." Nakangiting saad ng dalaga, inabot naman sa kanya ang telepono.
"Hi, Liv. I miss you." Bungad ni Jazmin. kaya napatingin sa dalaga ang kanyang mga magulang at kapatid. Nagtatakang tinignan ni Jaxon ang nakababatang kapatid. Sa pagkakaalam kasi nito ay galit ang dalaga sa dati niyang nobya.
"Si kuya Jax? Well he's not around, kaya ako na lang sumagot... uhmm I'm just not so sure kung nasaan siya ngayon. Pero narinig ko siya kanina bago siya umalis. I think he's going on a date." Halos mapanganga ang binata sa narinig. Ngayon ay naisip niya na 'yun pala ang dahilan kung bakit ito ang sumagot sa tawag na dapat sana ay para sa kanya.
"I don't know kung sino 'yung babae. But kuya looks really happy." Hindi mapigilan ni Jaxon na mapangisi dahil sa mga pinagsasabi nito.
"Hello?" Narinig ng dalaga ang malakas ng pagbaba sa telepono ng kanyang kausap. "Binaba?" Nagtatakang tanong ni Jazmin. Pero sa loob-loob niya ay natutuwa siya sa nangyari. Alam niya kasing nainis si Liv sa kanyang mga sinabi. Alam niyang medyo mababaw, pero iyon lang ang naisip niyang gawin para manlang iganti ang kapatid sa ginawa nito.
Ibinalik ni Jazmin ang telepono sa kanilang katulong. Napansin naman niya na nasa kanya ang atensyon ng lahat ng kanyang kasama. "What?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito. "Kumain na ulit tayo! Mom, I love everything you cooked for us. Yaya paabot naman nung dessert." Balik ulit sa dati na para bang wala siyang ginawang kalokohan kanina lamang.
Mag-isang naglilibot sa garden si Jazmin. Pinagmamasdan nito ang mga magagandang bulaklak na tanim ng kanyang ina. Isa ito sa mga bagay na nakakapag parelax sa kanya. Looking at those flowers was making her stress go away.
"I really thought you were nice to her." Narinig niya ang boses ng kapatid kaya agad itong napalingon.
"Ayos ba?"
Napangiti si Jaxon. "I appreciate, but you don't have to do it, you know."
"Malakas ka sa'kin kuya. You know me, I'll fight for you no matter what. Actually, kahit naman sino sa pamilya natin." Malapad ang ngiti na sagot ng dalaga.
Nilapitan ng binata ang kapatid at inakbayan. "Tell me what do you want? My treat baby sister."
Siniko ito ni Jazmin. "Please stop calling me 'baby sister' ang tanda ko na, saka as if naman ang laki ng age gap natin." Protesta nito, pareho silang tumawa.
Hinawakan ng dalaga ang kanyang baba na tila ba nag-iisip kung ano ang gusto niya. "Treat mo naman 'di ba? Let's go shopping!" Anyaya nito sa kanyang kuya. Napailing na lamang si Jaxon. Alam niya kasing malakas itong gumastos.
*
Another day of rest from all my works! Akala niyo ba madaling maging model at magtrabaho sa isang kumpanya at the same time? Mukhang kailangan ko na nga yata talaga bitiwan ang pagmomodel ko para magfocus sa negosyo namin. Honestly, sobrang napamahal na ako sa modeling kahit na part-time lang naman iyon. But I seriously need to prioritize the business now.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...