Chapter 29: Ed

1.1K 37 5
                                    

CHAPTER 29

Nasa building site kami ng ginagawang bahay. Ito pa lang ang pangalawang beses na pagbisita ko dito simula nang gawin ito. Dahil ilang buwan na rin ang nakararaan ay medyo marami na ang nagbago. May mga haligi na ang bahay na wala noong unang punta ko.

"Kung hindi ka lang makulit ay hindi kita dadalhin ulit dito." Sabi ni Jaxon na ngayon ay kasabay kong naglalakad sa paligid ng tinatayong bahay. Pareho kaming nakasuot ng helmet bilang proteksyon.

"Pero hindi mo matiis ang kakulitan ko kaya wala kang choice." I chuckle. "Huwag mo na alalahanin 'yung nangyari noon. Aksidente lang naman iyon at mas mag-iingat na ako ngayon." I reassure him. Ngayon ay mas pinagmamasdan ko muna ang paligid bago ako lumapit sa ilang bagay sa site. "Kailan ba matatapos itong bahay?" Pag-uusisa ko.

"Approximately twelve more months." Sagot niya kaya napabusangot ako. Matagal pa pala ang hihintayin ko.

"Ang tagal pa pala."

"Malaki kasi ang bahay.''

"Baka naman kasi bigla ka na lang susulpot dito at pinapapalitan ang ilang materyales or design?" I give him a playful glare. He chuckles. Mukhang tama nga ako!

Napalingon kaming pareho nang matanaw si Liam. Ito yata ang kauna-unahang makikita ko silang magkasama matapos ang nangyari sa hotel.

"I need to talk to him." Paalam ni Jaxon upang puntahan ang kaibigan. Pinagmamasdan ko lamang sila. Tila walang pakialam si Liam sa presensya ng kaibigan niya kahit kinakausap siya nito. Kung ano man ang pinag-uusapan nila ay wala akong ideya.

Nagulat na lamang ako nang magtaas sila ng boses sa isa't-isa kaya hindi ko na napigilan na lumapit.

"I told you, hindi nga pwede ang gusto mo." Iritadong sagot ni Liam kay Jaxon na ngayon ay halatang naiinis na rin.

"Hindi pwede or you're taking this personally? Liam, at least be professional!"

Ngumisi si Liam. "I am. I just don't like the changes. You're making things more complicated. Sabagay, that's what most Architects do anyway." He says mocking his friend.

Hindi ko na mapigilan na sumingit sa usapan nila kahit hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang topic, pero sa tingin ko ay may kinalaman iyon sa bahay namin.

"Saglit lang ha. Pwede huwag kayong mag-away? Pag itong bahay namin nagkaroon ng problema dahil lang sa miscommunication ninyong dalawa ay malilintikan talaga kayo sa akin!" Pareho silang nakatitig sa akin at tila ba nagulat. "Ayusin niyo ang trabaho niyo dahil binabayaran namin kayo." Sermon ko bago mag-walkout.

Dahil tapos na rin naman akong libutin ang site ay napagpasyahan ko na lang na bumalik sa loob ng kotse ni Jaxon at doon siya hintayin. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa pag-uusap nila kanina.

Pagkasakay ni Jaxon sa kotse ay agad ko siyang tinanong.

"You and Liam are not in good terms... is it because of me?" Natigilan siya at tumitig sa akin na tila nagdadalawang isip kung sasagot ba.

"Well..."

I sigh. "I'm sorry. This is all my fault."

He shakes his head. "No. Alam ko namang gusto ka niya pero hinalikan pa rin kita noong gabing 'yon." He lets out a sigh. "But what would I do? I really like you." He scoffs. "Am I a bad friend?" I look at him in the eyes. He looks really sad and hurt. Mukhang pinapahalagahan niya talaga ang pagkakaibigan nila.

Umiling ako. "Minsan kasi kahit anong gawin mo, mahirap pigilan ang nararamdaman." I force a smile. "And it's basically my choice to date you instead. Kaya hindi mo kasalanan kung bakit nagkaganyan." I sigh. "If he's really a good friend, he would understand."

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon