CHAPTER 6
"Hey girl! You wouldn't believe it! Yung pinaka gusto mong mabiling sapatos available na dito!" Bungad ko kay Scarlett habang kausap sa cellphone. I'm currently at the mall, magsho-shopping mag-isa. Nabored kasi ako sa bahay kanina, at dahil may kanya-kanyang pinagbibusy-han ang mga kaibigan ay hindi nila ako sinamahan. Kaya ayan iniinggit ko si Scar.
"Please buy it for me! Please, please, please I really want it! Baka maubusan ako! I've heard they only released limited stocks here in the Philippines!" Pagmamakaawa ni Scar sa kabilang linya. She's actually right, limited lang ang stocks ng sapatos na pinakamimithi niya. There are only few pairs available when I asked the sales person. Gustong-gusto niya ang sapatos na iyon.
Balak ko pa sana siyang inggitin ng bigla naman ako matapilok dahil may pakalat-kalat na malaking paa na hindi ko napansin kanina! Madadapa na sana ako nang biglang may humatak sa aking braso, and shit I dropped my phone again! Sana lang hindi nabasag ang screen, ito pa naman ang ibinigay sa akin.
"I'm so sorry miss." Saad niya saka pinulot ang nalaglag kong phone. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi ito nabasag.
"Bakit kasi paharang harang 'yang---" Hindi ko na itinuloy ang sasabihin nang makita ko kung sino ang tangang dahilan ng pagkatapilok ko. Damn! Bakit sa dinami-dami ng lalaki ay siya pa?
"Oh ikaw pala." He smirks. "Ikaw yata ang destiny ko, miss sungit."
I glare at him. Bakit naman sa lahat ay 'tong makulit na 'to pa? Siya lang naman ang nangungulit sa'kin sa bar noong isang gabi!
"What's your name nga pala? Nakalimutan kong itanong kasi yung kaibigan ko biglang tumawag. Akala ko importante hindi pala." He explains. As if I actually care.
"By the way, I'm Liam." He stretches out his hand for a handshake. Dahil hindi naman ako bastos na babae ay inabot ko ito para makipagkamay.
"Amethyst" Matipid kong sagot.
"Nice name and nice hand. Ang lambot." Bwisit ang lalaking 'to! Pati kamay ko pinansin! The way he speaks, halatang playboy din ang loko. Bakit ba lapitin ako ng mga gago? O sadyang wala na talagang matino sa mundo? Kung kailan naman gusto ko munang magpahinga sa pangtitrip sa mga lalaki saka naman may darating na bago. Kumalas na ako sa pagkakahawak niya sa aking kamay. Obvious na masyado na siyang nag-eenjoy sa paghawak dito.
"And so?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Eh 'di maganda kung malambot."
"Oo nga, mas maganda 'pag malambot. Bagay din sa maganda mong mukha." Banat pa niya. Kung pwede lang manapak ay ginawa ko na! "At dahil nagtagpo ulit ang landas natin. Malakas ang pakiramdam ko, that you really are my destiny. What do you think?" He smirks.
Oh God! Lakas bumanat ni kuya! Eh kung banatan ko kaya-- yung literal.
"Destiny mo mukha mo." Inirapan ko siya sabay talikod. Makaalis na nga lang kaysa guluhin pa 'ko ng siraulong ito!
"Wait. Bakit ba ang sungit mo?" He grabs my wrist. Hay ang kulit talaga! "Tara samahan mo ako maglunch." He says before dragging me out of the store! Aba'y ibang klase rin ang lalaking ito, lakas ng trip!
Para akong aso na hila niya hanggang sa makarating kami sa isang Japanese restaurant. Hindi man lang ako tinanong kung kumakain ba ako ng ganitong klaseng pagkain! Ayoko pa naman ng Japanese food.
May lumapit kaagad na waiter sa amin pagkapasok sa resto.
"Table for two please." Saad nitong si Liam. Mabilis naman kaming sinamahan ng waiter sa bakanteng pwesto, actually wala naman ganoong tao sa restaurant at marami ang bakanteng mesa. Tinulungan naman ako ng kumag na ito na makaupo. Inabot ng waiter ang menu tapos ay iniwan na kaming dalawa para asikasuhin ang iba pang customers.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...