Chapter 2: Collide

2.1K 51 3
                                    

CHAPTER 2

THIRD PERSON

Palingon-lingon sa paligid si Jaxon nang makarating ito sa arrival area ng airport. Everything looks different from what he remembered, it's been almost a decade. Hinahanap niya ang bunsong kapatid na siyang susundo sa kanya ngayon. The last time they saw each other was Christmas from almost two years ago when his family visited him in the US. Napangiti naman agad bigla ang binata ng matanaw ang kanyang kapatid, agad itong tumakbo palapit dito upang yakapin.

"I missed you, baby sister! Laki mo na!"

"Matagal na 'kong malaki! How are you?"

Inakbayan ni Jaxon ang kapatid hanggang sa nakarating sila sa kotse. "Kung mainit sa New York, mas grabe dito. Sa tagal kong nawala, nalimutan ko na kung gaano kainit sa bansang 'to." Reklamo nito sa klima.

"What do you expect from a tropical country?" Natatawang sabi ni Jazmin sa kapatid.

Nilagay ng binata ang mga maletang dala niya sa compartment ng sasakyan, habang tinutulungan naman ito ng nakababatang kapatid.

"Doon tayo sa office ni mom." Saad ni Jaxon sa kapatid marahil ay miss na nito ang ina na matagal na rin niyang hindi nakikita.

"Sure." Nakangiting sagot ni Jazmin.

Wala pang isang oras ay agad na nakarating ang dalawa sa kompanya na pag mamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi maalis ang tingin ng mga empleyado sa kanilang dalawa, lalo na kay Jaxon na sa loob ng halos sampung taon ay ngayon lamang nakabalik sa lugar na iyon. He's a stranger to most of the people inside that building. He got everyone's attention, especially women's. Sino ba ang hindi mapapatingin dahil na rin sa katangakaran, at kaguwapuhan nito.

"Sino siya?" Bulong ng isang sa mga babaeng empleyado.

"Baka siya 'yung isa pang anak ni Madam. Ang gwapo niya mas gwapo pa kay Sir Jace." Sagot naman ng isa pa.

"Tama ka. Akala ko gwapo na si Jace, pero mas pogi 'to at mukhang mas bata." Bulong naman ng isa.

"Kuya, I think you're an instant celebrity now." Pabirong bulong ni Jazmin dito.

Umiling si Jaxon. "Their stares are making me feel uncomfortable."

Jaz can't help herself to giggle. Dumiretso sila papuntang elevator, and luckily, wala silang nakasabay pa dito kaya naman mabilis silang nakarating na magkapatid sa 45th floor kung nasaan mismo ang opisina ng ina.

"Good Afternoon, sir. Sorry pero busy po si Madam ngayon." Hinarang ng sekretarya ang katawan niya sa harapan ng pinto. Halatang wala itong alam sa kung sino ba ang binatang nasa kanyang harapan.

"It's ok, she's waiting for me." Sabi ng binata at ngumiti, dahilan para matulala ang babaeng sekretarya. Pumasok si Jaxon sa opisina ng ina habang naiwan naman sa labas ang kapatid na si Jazmin na hindi mapigilan ang mapatawa dahil sa naging reaksyon ng sekretarya kanina.

"OMG, Mabel, pati ikaw tinamaan ng charm ng kuya ko?" Sumunod naman agad ito sa kapatid sa loob. Naabutan nitong magkayakap ang kanyang ina at kuya.

"Group hug!" Nagmamadaling tumakbo ito na parang bata upang yakapin ang dalawa. "We missed you, kuya!"

Pagkaraan ng ilang oras ay naisipan na ng binata na umuwi para magpahinga dahil na rin sa pagod at jetlag. Palabas na siya ng building na iyon ng may makabungguan siyang magandang babae na agad nakakuha sa kanyang atensyon. Tinulungan niyang pulutin ang nalalaglag na cellphone nito upang ibalik.

"S-sorry. I'm really sorry. Wala ako sa sarili ko kanina medyo pagod kasi ako, hindi ko sinasadyang mabangga ka."

"Okay lang. Sige mauna na 'ko." Sagot ng dalaga at nginitian si Jaxon bago nagmamadaling pumasok sa loob ng elevator.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon