CHAPTER 49
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makabalik sa trabaho. Mayroon pang magaganap na pagpupulong ang board members na kasama ako, parang trial ba, kung tuluyan na nila akong sisibakin o mananatili ako sa kompanya. My mother is the Chairman, but that doesn't mean she'll side me. Of course, she has to be fair and neutral. She can't be biased or else the board members are not going to like it.
Dahil nabuburyo na ako sa bahay ay pinili kong lumabas kasama ang dalawa kong aso papunta sa penthouse ni Jaxon. Mas gusto kong manatili na lamang doon kaysa naman sa bahay namin lalo na't nasa ganito akong sitwasyon. Nahihiya rin kasi akong humarap sa mga magulang lalo na't nalaman din nila ang tungkol sa kalokohan ko dati. I'm sure my parents are not happy to know that I went out with thirty guys. I sure look like a whore to their eyes now.
Pagpasok ko ng penthouse ay katahimikan ang bumungad sa akin. Inaasahan ko na rin naman iyon dahil nasa trabaho pa ang boyfriend ko. Ayoko naman siyang sabihan na nandito ako ngayon dahil gusto ko rin siyang sorpresahin dahil bihira kami makapag-usap nitong nakaraan dahil abala siya sa trabaho.
Dumiretso ako sa loob ng sala saka tinanggal ang leash ng dalawa kong aso, habang ako naman ay humilata sa sofa. Mas ayos na ako dito kaysa naman doon ako sa bahay na kasama ko nga ang magulang pero hindi naman ako komportable.
Muling pumapasok sa isip ko ang mga posibilidad na mangyari sa susunod na araw. Sa isang iglap pwedeng mawala ang posisyon ko. Ano naman kaya ang gagawin ko kung mangyayari iyon? Babalik ako sa modeling? Sa totoo lang ayoko na maging modelo, mas gusto kong panindigan ang posisyon ko ngayon. Mas gusto ko ang trabahong iyon lalo na mahilig din ako sa cosmetics. Masaya ako kapag nakikita kong successful lahat ng inilalabas naming produkto na dumaan mismo sa mga kamay ko at pinili kong mabuti. Natutuwa ako kapag nakakatanggap ng magandang reviews. Ang hirap bitiwan ng isang bagay na nakasanayan mo na.
Napabangon ako nang marinig na bumukas at sarado ang pinto na sinundan ng pagtakbo't tahol ng dalawang alaga ko.
"Hey doggies." I hear Jaxon's chuckle. "What are you doing here?" Aniya sa mga ito. Hindi ko inaasahan ang maaga niyang pag-uwi. Maliwanag pa kasi sa labas. "Hey." Aniya na may malawak na ngiti sa mga labi nang makita ako habang bitbit ang dalawang aso.
"You're early." I give him a wide smile.
"Yeah. Luckily I was able to cut short my work today." Ibinaba niya ang mga aso saka ako niyakap. "I'm happy to come home and see you." Humiwalay ako sa kanyang yakap.
"I'm just not so comfortable staying in our house. I feel bored, also awkward with my parents. They're probably just not talking about it but I know they are disappointed that I've dated thirty guys in the past."
"I'm pretty sure they aren't upset or disappointed about it, just surprised. After all, those were just dates or flings. You never even slept with any of your flings."
"Except you." Sagot ko kaya napatitig siya sa akin at halatang gulat. Ngumiti ako. "We slept before we were even official." Paglilinaw ko. Unti-unti siyang ngumiti. "Ikaw ba, hindi mo ba inisip na baka kung sinu-sino na ang nagkama sa akin dahil sa dami ng nakafling ko noon? Alam mo 'yun, sa isip ng tao parang pinagpasa-pasahan na ako, na para akong imoral kahit wala naman silang alam tungkol sa history ko. Why did you even like me from the beginning if you knew I had twenty-eight flings?" Kumunot ang kanyang noo sa aking naging tanong. Bumuga siya ng hangin tapos ay hinawakan ang aking kamay.
"Does it even matter if you're not a virgin or has slept with too many guys in the past? In the US it was normal. Some even slept on the first date." He looks at me in the eye and let out a sigh. "It never entered my mind that you were the kind of woman who would sleep with everyone else, though." He chuckles. "Wala ka ngang pakialam sa'kin noong ipinakilala ako sa inyo ng kapatid ko." I can't help but smile. I still remember that day, I was so uninterested in even talking to him.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...