Chapter 48: Desperate Schemes

1.1K 34 18
                                    

CHAPTER 48

Kasalukuyan akong nasa sala habang inaaral ang mga future ideas para sa skin care line ng W Beauty. Pati na rin ang layout ng designs ng mga packaging. After all, ako pa rin ang may sabi sa ilalabas na produkto. Sa totoo lang ay hindi ko talaga inaasahan na maiinlove ako sa trabahong ito. Hindi naman kasi ito ang pinangarap ko. I actually wanted to be a Psychologist but my mom asked me a favor. Ayaw niya kasing iba ang mamahala ng negosyong pinaghirapan nilang itayo, at naiintindihan ko naman iyon.

Dati ayoko talaga, pero ang saya rin pala kahit na medyo masakit sa ulo madalas. Lalo na kapag nalalaman ko na mataas ang sales ng kompanya at palaging sold out ang mga produkto dahil na rin sa mga magagandang reviews.

"Amethyst!" Boses iyon ni mommy kaya lumingon ako. Napatayo ako nang makita ko siyang pababa ng hagdan at nagpupuyos sa galit. Pakiramdam ko ay naubos ang dugo ko sa katawan dahil sa takot. Ito ang unang beses na makita ko ang ina na ganyan ang itsura.

"M-mom. What's wrong?" Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha, para siyang leon na mangangain ng tao.

"What's wrong?" Nagpupuyos sa galit niyang tanong. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang mali para maging ganyan siya. "Now tell, what's this?" Hinagis niya sa aking harapan ang kanyang iPad na bumagsak naman sa sofa. Kunot-noong sinulyapan ko iyon bago ibalik ang tingin sa aking ina. Hindi ko pa rin maintindihan. "Tignan mo!" Utos niya. Nanginginig ang kamay dahil sa kaba na kinuha ko iyon. Isang e-mail app ang bumungad sa akin, doon sa isang message ay may nakalagay na article.

"After dating thirty guys in the past this young CEO of W Beauty Inc. has chosen to date a family man." Mahina kong sambit. Sa ibaba ng e-mail naka attach ang picture ni Jaxon kasama si Liv at anak nito. Napasapo ako sa aking bibig nang mapagtanto ang nakalagay doon. Inangat ko ang tingin sa aking ina. "M-mom-"

"Now explain me, what's in there?" Galit niyang tanong. "You've dated thirty guys? And your boyfriend is a family man?" She raises her voice again. Hindi ko alam ang isasagot.

"Mom, Jax is not married to anyone!" Buong kumpiyansa kong sagot. I know Jax, he was engaged, but he never married Liv. Hinablot niya sa akin ang iPad.

"Then who's that woman and kid with him in the picture?" Turo niya sa litrato.

"T-that's his ex-fiancée and... their kid." Halos bulong na lumabas sa aking bibig ang huling salitang binitawan ko.

"What?" Hindi makapaniwalang sigaw ng aking ina. "He has a child?"

"He didn't know, okay? He's no longer with his ex, he just found out recently." Sinusubukan kong magpaliwanag pero alam kong hindi naman makikinig si mommy.

"You know what happened? The members of the board are calling me! They want you out, Amethyst! You are damaging the reputation of our company!" Halos lumabas na ang ugat nito sa leeg dahil sa pagsigaw.

"What is going on here?" Kunot noong tanong ni dad na halatang nababahala sa nangyayari sa amin ng aking ina. Lumapit siya sa amin at para akong batang tumakbo sa kanya at yumakap ng mahigpit na tila humihingi ng tulong.

"You wanna know what happened? An e-mail was sent to the board members saying that your favorite daughter is having an affair with a family man! Your daughter is in a scandal that could potentially ruin the company's image!" Nanggagalaiti sa galit niyang paliwanag sa aking ama. Kumalas sa yakap sa akin si dad at tinignan ako sa mga mata.

"She's dating Jaxon." Sagot niya kay mom.

"Yes! And apparently the e-mail is referring to him!" Marahas na bumuntong hininga si mom.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon