Chapter 20: Petit Monde

1K 25 0
                                    



CHAPTER 20

"Liam?" Naguguluhang saad ko. Ano naman ba kasi ang ginagawa niya dito ngayon?

"You know each other?" Kung nagulat ako ay ganun din ang reaksyon ni Jaxon na pinagpapalit palit ang tingin sa amin ni Liam.

"Magkakilala rin kayo?" Tanong naman ni Liam sa amin. "Small world!" He smiles at both of us. Inakbayan niya si Jaxon. "Man, I'm glad you already know her. Siya 'yung sinasabi ko sa'yo!" Maligayang saad niya kay Jaxon na ngayon ay mas lalong kumunot ang noo dahil malamang ay nalilito na sa nangyayari. "Siya 'yung sinasabi ko sa'yong nililigawan ko." Saad ni Liam sabay kindat sa akin. Seriously? Does he really have to tell him?

"Wait, Liam. What are you even doing here?" Pag-iiba ko ng topic.

"He's the Engineer." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig.

"E-engineer?" I can't believe it! Iyang lalaking 'yan ay isang Engineer? How come?

"You didn't know?" Tanong ni Jaxon tapos ay tumawa. "Hindi halata 'no?" Mabilis siyang siniko ni Liam at inalis ang pagkakaakbay sa balikat nito.

"Nakalimutan ko palang banggitin sa'yo ang tungkol doon. Ikaw kasi 'di ka naman nagtatanong." Wow, kasalanan ko pa ngayon?

"Tama si Jaxon. No offense to you, Liam, pero hindi nga halata. So, I guess you're also smart knowing that you have a degree in Engineering." Tinawanan ako ni Liam.

"Well, yes. Considering I also finished a Master's Degree in New York, I guess that makes me intelligent." What? Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. "You don't believe me?" Lumingon siya kay Jaxon na tila nanghihingi ng backup statement para lang maniwala ako.

Ngumiti sa akin si Jaxon. "Totoo 'yun." Confident na tumingin sa akin si Liam na tila ba sinasabing I told you so. Who would've thought that this guy is actually a professional Engineer.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"We're childhood friends."

"Sabay kaming lumaki."

"And it was hell growing up with him." Dagdag ni Jaxon na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, hindi ko tuloy alam kung seryoso ba talaga siya. Sinamaan siya ng tingin ni Liam.

"Sa tingin mo ba masaya akong kasama kang lumaki? Wala lang akong choice kasi magkaibigan ang mga magulang natin." Sagot ni Liam. Para silang magjowang nag-aaway.

Umiling si Jaxon. "Kaya pala wala kang ginawa kundi maging third wheel sa amin ng ex ko." Saad niya dahilan para mapatawa ako. Si Liam naman ay halatang napahiya at tila ba iniisip na sana hindi na lang niya binitawan ang mga salitang iyon kanina.

"Huwag mo nga akong siraan kay Amethyst." Lumingon sa akin si Liam. "Anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba niya sa topic.

"Siya ang anak ni Mr. Wilson." Singit ni Jaxon.

"Really? Teka..." Tinignan niya ako na para bang nag-iisip. "Yes. You are a Wilson, paanong hindi ko naisip kaagad na baka related kayo?" Yeah right, lalo na't kaunti lang ang ganung apelyido sa Pilipinas.

"Magandang hapon, Engineer! Mabuti naman po at dumating na rin kayo." Bati ng isang lalaki sa kanya, iba ito sa naunang bumati kay Jaxon kanina, mas bata ito tignan.

"Excuse us. May kailangan lang akong i-discuss sa kanila." Saad ni Liam bago umalis kasama ang lalaki na 'yon kaya naiwan kaming muling dalawa ni Jaxon.

"You like him?" Agad akong lumingon kay Jaxon.

"Huh?" Umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Kung pumayag kang ligawan niya, ibig sabihin gusto mo siya." Tinitigan ko siya sa mata. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon