Hindi ko po nalilimutan mag-update, sadyang busy lang ang lola niyo kaya di ako makapagsulat, update at edit. Please vote and comment guys para ganahan naman ako magsulat. Please excuse kung may typos, di ako nagproofread Love y'all.
*****
CHAPTER 16
Dalawang linggo na rin ang lumipas matapos ang date ko kay Liam, at sa loob ng dalawang linggo ay wala na akong oras na lumabas pa ulit kasama ang kahit na sino kahit pa ang aking mga kaibigan. Masyado akong abala sa W Beauty ngayon. Kahit nga ang pamilya ko ay minsan ko na lang makausap. Ang aking mga magulang ay nasa US ngayon para magbakasyon, wala akong ideya kung kailan ang balik nila. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit mas pinipili ko na huwag manatili sa aming bahay, dahil malulungkot lang ako o maiinis- dahil kay Emerald. Siyempre hindi ko naman pinapabayaan si Spice na dala ko araw-araw maging sa trabaho.
Ngayon ay binibisita ako ng mga kaibigan, buti na lang ay wala ang kapatid ko, siguro ay abala sa preparasyon ng kanyang kasal.
"Balita ko nga pala nakipagdate ka noong nakaraan. How was it? Gwapo ba 'yung guy?" Biglang tanong ni Venice habang nilalantakan ang chocolate chip cookie na ibinake namin kanina. Lahat silang tatlo ay kasama ko ngayon dito sa sala habang nanonood sa Netflix. Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon dahil isinisikreto ko sa kanila ang tungkol dito. Wala akong pinagsabihan, kaya paanong nalaman niya?
"Huwag mo nang ideny, my sister saw you." Dagdag niya. Wala na nga yata akong kawala, I just have to admit it.
"Bakit hindi mo itinanong sa kapatid mo kung gwapo ba ang kasama ko?" Nginisian ko siya kaya naman inirapan niya ako. Mukhang disappointed siya sa aking naging sagot.
"So, totoo nga?" Tanong ni Jaz para kumpirmahin ito mula sa akin. Tumango ako bilang sagot.
"Naalala niyo ba ang kinukwento ko sa inyo na makulit?" Sabay-sabay silang tumango at tahimik lang na tila ba naghihintay pa ng impormasyon. "Pinagbigyan ko na para tigilan na niya ako at para bastedin ko na siya." Paliwanag ko.
"But why do you sound and look unhappy?" Lumingon ako kay Jazmin nang marinig ko iyon mula sa kanya.
"What?" Tanong ko dahil naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Ayan, kitang kita sa mukha mo. Usually you don't care about a guy if you wanna break his heart, bakit ngayon iba ang nakikita ko sa'yo? I can't explain it any further but you totally look different." Paliwanag niya sa akin. Seryoso ba siya?
"Actually, Jazmin is right. Don't tell me, you like this guy?" Aniya ni Scarlett kaya lumingon ako sa kanya.
"I don't know what you're talking about." Totoo naman, 'di ko maintindihan ang pinapahiwatig nila.
"Oh my God! Don't tell us, you like that guy!" Bulalas ni Venice kaya naman tumuon ang atensyong nilang tatlo sa akin na kala mo ako ay suspek sa isang krimen.
"Baliw!" Saad ko habang tumatawa. "Ako?" Turo ko sa sarili. "Naawa lang ako sa tao dahil iba siya sa mga lalaking nakilala ko. He doesn't act like a fuckboy. And I feel that he isn't. Hindi naman ako pusong bato para manakit ng matinong tao." Tinitigan nila ako ng may bahid ng pagdududa. "I'm telling the truth!" Dagdag ko.
Scarlett crosses her arms. "Like we told you, hindi lahat ng lalaki ay fuckboy. Ikaw kasi, lahat ng pinipili mong i-date ay mga tulad nila kaya hindi mo na alam na may matino pa ring lalaki sa mundong 'to." I can't disagree with that because she definitely has a point. Pero iyon naman kasi ang purpose ko hindi ba? Ang makipagdate sa fuckboys para paasahin sila katulad ng ginagawa nila sa ibang babae. I just give them the taste of their own medicine.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...