Chapter 12: Not An Easy Girl

1.3K 33 14
                                    

CHAPTER 12

Dumating ako sa restaurant na usapan namin ni Jaxon. It is an Italian Resto, I guess this guy loves Italian food as much as I love it. Wala pa namang masyadong tao sa loob kaya naman hindi na ako nahirapan na makita siya. He's wearing an attire appropriate for his profession and when I say "appropriate", I mean not too formal, just a black Polo Ralph Lauren Rugby Shirt and pants. He looks simple and yet damn, why does he look hot in that outfit? Oh shit, allergic ako sa karamihan ng lalaki. But I'm almost drooling when I see him. Or maybe he's just an exception, sa lahat ng nakilala kong lalaki, iba talaga siya sa kanila. I can't really explain it.

Nang makarating ako sa table kung saan siya naghihintay ay hindi niya agad ako napansin dahil may binabasa ito na sa tingin ko ay mga papeles.

"Hey." Nakangiting bungad ko sa kanya. Agad naman siyang nag-angat ng tingin at nang makita ako ay mabilis siyang tumayo sa kinauupuan para alalayan ako sa pag-upo. Such a gentleman, indeed. Nang makabalik siya sa kanyang pwesto ay nagsimula na akong magtanong. "What it is that we need to discuss?"

Kinuha nito ang isang tube-ito ang kalimitang nakikita ko noong dala ng mga Architecture at Engineering students noong nag-aaral pa ko. Inilabas niya mula dito ang mga blueprint. Hindi ko mapigilang mapahanga, alam kong handmade ang drawing na iyon at hindi dumaan sa kahit anong software.

"This." Ini-abot niya ito sa akin at mas lalo akong napahanga dahil sa linis ng pagkakagawa nito. "That's the floor plan for the first floor." Ini-abot niya sa akin ang dalawa pang papel. "Second and third floor." Hindi naman ako nalito kung alin doon ang first, second at third floor blueprint dahil nakasulat din naman sa ilalim na bahagi nito iyon.

"Wow." Hindi ko mapigilan na sabihin iyon. Bawat detalye sa gawa niya ay malinis at pulido. I can't help but to be amazed. "You're so good!" Komento ko pa sa kanya. Sinulyapan ko siya, nakangiti lamang siya sa akin. Habang ako naman ay parang bata na sobrang mangha sa nakikita.

"Sabi ng Dad mo, baka pwedeng ikaw na lang ang kausapin ko tungkol sa mga detalye ng bahay. Kung gusto mo, pwede ko rin ipakita sa'yo ang process sa paggawa. Seems like you're really interested."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Is it okay if I come? Hindi ka ba maabala? I mean, you should be concentrating on making that. Magiging pang gulo lang ako sa'yo."

He shakes his head. "No. It's okay. Ayos din naman kung magbibigay ka ng suggestions sa kung anong itsura ng bahay ang gusto mo. These blueprints are just the samples." He smiles.

"Okay." I smile back.

Matapos ang pag-uusap namin ay nag-order na kami at kumain ng dinner. Sa susunod daw ay sa opisina na lang niya kami magmeeting tungkol sa bagay na iyon. Sa totoo lang, kaya dito kami nagkita sa restaurant ay dahil sa akin. Medyo traffic kasi ang papunta sa opisina niya kaya siya ang nag-adjust. Nagpasya na kaming maghiwalay ng landas. Sa bahay na ako dumiretso dahil wala naman kaming usapang magkakaibigan ngayong gabi.

Pagpasok ko sa bahay ay si Spice ang sumalubong sa akin. She keeps wiggling her tail when she sees me. I pick her up. "Did you miss Mommy?" I say as I brush her hair using my fingers.

"Mukhang aso na lang talaga ang pwede mong ituring na pamilya." Someone snickers from my behind, but I already have an idea who it is. I roll my eyes before facing her.

"Hindi porket engaged ka na ay pwede ka na magyabang. Who knows, maybe after few months malaman niyang Fiancé mo ang tunay na ugali mo at hiwalayan ka rin kaagad pagkatapos ng kasal." I smirk.

Katulad ng inaasahan ko ay sinamaan niya ako ng tingin. Siya ang nagsimula pero siya ang pikon. Ano ba ang ginawa ko para magkaroon ng kapatid na katulad niya? I mean, I could've just had a nice sister, unlike this bitch.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon