Chapter 27: Drenched

1K 27 3
                                    

CHAPTER 27

I officially started dating Jaxon a few days ago, but that doesn't make him my boyfriend yet. Para sa akin kasi dapat ay may malalim ako na koneksyon sa isang tao bago ko siya i-consider na boyfriend—sa ngayon, we're just two people going out.

Honestly, I enjoy every single time we're spending together. Simula nga noong lunes ay sabay kaming kumain ng lunch, noong martes naman ay pati dinner. Gusto pa nga niya akong ihatid sundo sa bahay, but I refused him. Mayroon naman kasi akong sariling kotse at saka baka makita pa siya ni Dad, magtanong pa 'yun ng kung anu-ano. He would also often text or call me if he's not busy. I guess he's really taking it seriously.

Ngayong araw ay medyo abala ako sa trabaho at pati na rin siya kaya naman wala munang lunch date na magaganap. Ayos na rin iyon kasi baka pag araw-araw kaming magkita ay mag-sawa na kami sa mukha ng isa't-isa nang 'di pa natatapos ang isang buwan.

Mag-aalas dose na ng tanghali pero ang dami ko pa rin kailangan tapusin na trabaho. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya naman binitbit ko na lang ang aking laptop at bumaba papunta sa malapit na Coffee Shop. Pinili ko dito dahil na rin gusto ko ang ambiance ng kabuuan ng shop, at aaminin ko, gusto ko ang amoy ng kape.

Pagdating dito ay umorder lang ako ng Pesto Pasta at Iced Blended Chai Tea Latte. Pero kahit pa kumakain ay nakaharap pa rin ako sa aking laptop. There are things I need to check, katulad na lang ng magiging layout ng bagong range ng makeup na ire-release sa summer next year, pati na rin ang mga bagong range ng skincare ng W Beauty. I have the last say in everything, kaya dapat piliin ko ang tama- ang mas maganda sa mata ng tao para naman hindi rin mapahiya ang kompanya. Napabuntong hininga na lamang ako, bakit ba kasi sa akin ibinigay ang posisyon na ito? Hindi madali ang pagiging CEO at ang bata ko pa para sa ganitong klaseng posisyon.

Tinignan ko ang cellphone para malaman ang oras at para na rin makita kung may mga mensahe o tawag ba pero nadidismaya lang ako dahil walang tawag o texts mula kay Jaxon. Okay, 'di ako dapat madismaya dahil wala namang kami, hindi siya obligadong magtext o tumawag. Nasanay lang yata ako dahil simula noong lunes ay palagi kaming magkasama.

Nang matapos ako sa pagkain ay naisipan ko na rin na bumalik sa opisina dahil ayoko naman tumambay dito, 'di rin kasi ako sanay na mag-isa lang sa ganitong lugar. Nang nasa harap ako ng aming building ay natigilan ako. I'm not expecting to see him here. Kahit nakatalikod pa siya sa akin ay alam ko kung sino ito, at kung ano man ang kanyang ginagawa dito ay hindi ko alam.

Humarap siya sa aking direksyon at natigilan nang makita ako. Kahit malayo ay kita ko sa kanyang mukha ang kalungkutan. Nakakaramdam man ng kaba ay sinimulan ko na lang ulit na maglakad upang lagpasan siya pero agad niya akong hinarangan.

"I'm sorry." Aniya. Sa totoo lang ay medyo inaasahan ko nang sasabihin niya ang mga salitang iyon. "Please talk to me. Matatatlong linggo mo na akong hindi pinapansin, and you actually blocked my number." Tinitigan ko lamang siya. I honestly don't know what to say, all I know right now is I'm still upset.

"Alam ko masakit ang sinabi ko sa'yo, and I swear I didn't mean it--"

"Yeah right. You were drunk, I get it, Liam." I smile bitterly.

"I'm just here to apologize." Kita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad pero hindi ko pa rin yata siya kayang patawarin. Nasaktan kasi talaga ako.

"Umalis ka na dahil wala kang mapapala sa akin." Iyon ang sinabi ko bago siya lagpasan.

"I'm not going to leave unless you forgive me!" Sigaw niya kaya huminto ako. Ang kulit niya pa rin talaga. Nadadalawang isip ako kung lilingunin ko pa ba siyang muli o hindi na. I choose the latter, and leave him there. I'm sure he'll leave eventually if he gets tired of waiting.

Miss HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon