CHAPTER 38
"Surprise!" Bungad ko pagpasok sa opisina ni Jaxon dahilan upang bahagya siyang mapapitlag mula sa kinauupuan. Nasa harapan siya ng kanyang desktop, marahil ay may tinatapos na trabaho. Ang gulat sa kanyang mukha ay napalitan ng malawak na ngiti nang makita ako. Tumayo siya at nilapitan ako para bigyan ng mahigpit na yakap.
"What are you doing here?" He pulls away without removing his one arm around my waist. "I thought you are busy?"
"I'm surprising you, obviously." I giggle. "I lied when I said, I have more meetings to attend." Kanina kasi ay tumatawag siya pero ang sabi ko ay marami pa akong aasikasuhing trabaho kaya wala akong oras makipagkwentuhan. Para maiba naman ay gusto ko siyang sorpresahin, pambawi sa ilang araw na hindi kami nagkita at bibihirang mag-usap. "Kumain ka na ba? Let's have lunch." Ngumisi siya sa akin bago sumagot.
"You are lucky I was busy at work that I forgot about that."
"Masamang nagpapalipas ng gutom, Architect... o baka naman sinasadya mo 'yan para 'di mawala ang abs mo?" Biro ko sa kaya naman tumawa siya.
"Oo. Baka kasi iwan mo ako pag nawala 'to."
I chuckle and roll my eyes. "Tara na, kumain na tayo dahil gutom na ako." Reklamo ko dahil hindi pa rin ako kumakain ng kahit ano ngayong araw.
"I'll just save my works." Paalam niya bago muling lapitan ang computer. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay agad kaming lumabas at dumiretso sa elevator. Tumigil ito sa ika-labing anim na palapag at 'di namin inaasahan na makakasabay ang kanyang ina kasama si Liv. Sa tingin ko ay malapit talaga sila sa isa't-isa.
"Jaxon, Amethyst, saan kayo pupunta?" Bumeso sa akin si Tita bago kay Jax.
"Kakain lang po kami. Kayo ho ba?"
Ngumiti siya ng matamis sa akin. "We're also going to have lunch--" Sandaling naputol ang sinasabi niya nang tumigil na sa ground floor ang elevator. Sa labas ay nagpatuloy kami sa pag-uusap. "Why don't you join us?" Imbita ng ginang. "Ohh, if it's just okay, of course." Dagdag niya nang mapansin na magiging awkward ang setup namin. Tumingin ako kay Jaxon na 'di ko mawari ang reaksyon. HInarap ko ulit si Tita.
"Sure. It's okay." Tumatangong sagot ko na sinuklian niya kaagad ng malawak na ngiti.
"It's settled then! Saan niyo ba gusto?" Tanong niya kaya muli akong lumingon kay Jaxon para humingi ng kaunting backup.
"Kung saan niyo gusto, Ma." Walang gana niyang sagot sa ina.
"There's a restaurant that I like nearby. Let's go there?" Nagsimula na silang maglakad palabas ng tower, at susunod na sana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Jaxon sa aking braso kaya naman nilingon ko siya.
"Bakit ka pumayag?".
I force a smile. "Jax, your Mom invited us for lunch, it'll be rude to reject her."
"Liv is with her. Are you okay with that?" He looks straight into my eyes as if reading me.
"It's fine. I'm cool with the idea of dining with her. Ikaw ba?" Umangat ang gilid ng kanyang labi. Napatingin ako sa aming mga kamay ng pagsiklupin niya ang mga ito. I feel a flutter in my chest.
"Let's go." Mabuti na lamang ay hindi pa tuluyang nakalalayo ang mga kasama kaya naman naabutan namin ang mga ito.
Sa restaurant ay katabi ko si Jaxon habang nasa harapan ko naman ay si Liv, na katabi ni Tita. Nang tignan ko ang menu ay saka ko lang nalaman na European dishes pala ang siniserve nila dito. Karamihan ay Italian, French at Spanish.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...