CHAPTER 33
Let's have dinner together. I smirk as I read the text message. I tap out a reply.
I thought you are busy the entire week? Now you want to see me? I press the send button, still smirking.
"Ohh! What's that smile on your face? And who are you texting?" Venice blurts out. I look at her and see that she's taking a glance on my phone, luckily, I am quick to lock it before she can even see anything. "Don't tell me you have a new guy and you're not telling us?" Dagdag niya pa na may ngisi sa labi. I am caught off guard.
I laugh awkwardly. "It's my Dad and his corny dad jokes." Pagsisinungaling ko pero tinignan niya ako na tila ba sinasabing hindi siya naniniwala. Muling nagvibrate ang aking cellphone.
I miss you. It's been a few days.
I'll pick you up tonight.
"Mukhang kinikilig siya, I guess it's definitely not his Dad." Saad ni Scarlett.
"You're dating? So, who's the unlucky guy?" Dagdag ni Jazmin sa usapan. Katulad ng dalawang kaibigan ay nakangisi ito sa akin. Kung alam mo lang Jaz na ang kapatid mo ang unlucky guy na tinutukoy mo.
"Kumain na lang kayo diyan at huwag akong kulitin. Mabuti nga pumayag pa akong makipagkita sa inyo kahit abala ako sa trabaho." Biro ko sa mga ito. Ngayon ay nasa isang French restaurant kami upang magtanghalian. Ito yata ang unang beses na kumain kaming magkakasabay ng tanghalian sa loob ng apat na buwan. Bukod sa abala kami sa kanikaniyang trabaho ay abala rin ako sa pakikipagdate ng patago kay Jaxon. I look at Jaz but she just gives me a weird smile.
Saglit lang ang pagkikita namin dahil kailangan ko pang bumalik sa opisina para tapusin ang ilang paperworks sa araw na ito.
"I'm glad we had to spend our lunch together." Wika ni Jaz nang matapos kaming kumain.
"Don't worry girls, I promise we can hang out again soon. What about this weekend? Shopping tayo." Sa totoo lang ay gusto ko talagang bumawi sa mga bruhang ito. "Libre ko, para makabawi naman sa pagiging MIA ko sa inyo nitong mga nakaraang buwan." Nanlalaki ang mata ng mga kaibigan habang nakatitig sa akin, mukhang 'di sila makapaniwala sa mga binitawan kong salita.
"Are you even serious?" Tanong ni Venice. Alam ko na kung ano ang nasa isip ng babaeng ito. Mukhang mapapasubo yata ako dahil mahilig siya sa signature brands.
"Huwag mo nang ipaulit, baka mabago ang statement." Ani Scarlett.
"By the way. I almost forget to ask you something!" Saad ni Jazmin. "Girls. My parents are celebrating their 35th Anniversary really soon and my Mom wants to invite the three of you to join us in Maldives." Bulalas niya kaya halos mapanganga ako. Seryoso ba siya?
"W-wait lang, Jaz. Are you even serious?" Naguguluhang tanong ni Venice na tila pinoproseso pa ang narinig. Kilala ko itong si Venice, sobrang mahilig siya sa mga beach or island paradise, actually lahat kami pero mas mahilig siya sa mga ganung bagay.
Tumango si Jaz. "Yes, and my parents are going to handle all the expenses. Sabi ni Mom para na raw kasi niya kayong mga anak at malungkot daw kung kaming mga anak lang ang isasama sa bakasyon. I'm telling you ahead of time so you can clear out all your schedules, especially you." She gives me a non-serious glare. I know what exactly it is that she's trying to say.
Bumuga ako ng hangin. "Kailan ba iyan?"
"Three weeks from now." She pauses. "C'mon, Amethyst, sumama ka or else magtatampo si Mommy sa'yo." Her mother is always nice to me. I feel like if I turn down her invitation, she's really going to feel bad.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...