Sa una 'di tayo magkakakilala,
Kase lahat tayo ay nagkakahiyaan pa,
Araw-araw laging nagkikita,
Sa isang silid ay magkasama,Madaming biruan, tawanan at natutunan,
Ang aking naramdaman sa ating samahan,
Sa ating lahat ay walang iwanan,
Kahit na gaano kalaki ang problemang dumaan,
Sama-sama itong nalalagpasan,
Siguro ang pag-aaral natin o kopyahan,
Ang nagsilbing sating paraan,
Upang tayo'y magkaugnayan,
Minsan napapagalitan gawa ang dahilan,
Nag-aasaran ng pangalan ng magulang,
Tilian at sigawan rinig buong baitang,
Kaya sermon lang ang aking natutunan,
Pero kahit ganito tayo'y lagi nagmamahalan,Buti na lang ang magandang gurong tagapayo,
Ay mapagpasensya at mabait sa atin,
Kahit magulo ay nagagawa niya tayo patawarin,
Na nagsilbing nanay lahat sa atin,Kaya hanggang sa muli,
Hanggang sa muli,
Sa muling natin iyakan,
Sa muling tawanan,
Sa muling kalokohan,
Sa muling kulitan,
Sa muling awayan,
Sa muling pakikipagkasunduan,
Sa muling lungkot at saya naramdaman,
Sa muling natutunan,
Ang bagay na 'di malilimutan,
Babaunin magpakailanman,
Kahit nasan ka man,
Sa paglipas ng kahapong nakaraan,
Nung tayo nasa isang paaralan,
Madaming sariwang ala-ala babalikan,
Kaya hanggang sa muli mga kaibigan,
Sana 'di ito ang huling pagkikita at asahan,
Na magkikita pa tayo kinabukasan
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesiaFilipino poetry at pinaghuhugutan