Chapter 1: Miss Beauty Queen

5.3K 93 5
                                    

And our Miss St. Benedict's High School Dept. 2008 is Miss Senior Kirsten Dominique Tan .... Congratulations!

Hiyawan ang lahat ng estudyante na kasalukuyang nanonood ng coronation night ng Miss St. Benedict. Kahit pa expected na ng halos lahat na si Kirsch, ang mananalo dahil nga consistent ito mula being Ms. Freshmen, Hanggang Ms. Juniors at Prom Queen at ngayon nga ay kinumpleto nya na ang Korona bilang Miss Benedict. Kontesera talaga si Kirsch, dahil nga bata palang eh rampadora na wala na sa kanya ang palagiang pagsali sa mga BeauCon. Talaga namang maganda sya at di naman din boba ang lola nyo kaya di nakapagtataka na humakot sya ng mga award at palaging laman na ng BeauCon sa probinsya nila sa Masbate. Kaya di nakapagtataka madaming humahanga sa kanyang mga kalalakihan kahit pa taga ibang eskwelahan. Medyo may pagkasuplada si Kirsch, pero normal na cguro yon dahil nga sikat sya sa buong campus. Suplada na tipong ang mga inggit ay galit sa kanya pero mas madami pa din ang humahanga sa dalaga. Di naman galing sa mayaman na pamilya si Kirsch pero di naman sila nag hihirap. May maliit na bigasan sa bayan ang kanyang mga magulang na sapat naman sa kanilang pamilya. Panganay si Kirsch at mayroon syang dalawang mas nakababatang kapatid na Babae. Si Kim na second year high school pa lang at si kelly naman ay nasa grade 5 palang sa parehong eskwelahan. Mabait na anak at kapatid si Kirsch, pero sa eskwela mas kilala sya bilang Beauty Queen na medyo suplada.

***Diego's POV***

"Ang ganda nya talaga." Mahinang sambit ni Diego sa sarili nya habang nanonood sa auditorium ng Coronation ng Ms. Benedict.
Biglang nasiko si Diego ng pinsan at kakaklase nya na si Arjay.

"Hoi Diggy, natulo na laway mo. Nakatanghod ka naman sa Crush mo." Mahinang panunukso ni Arjay.
"Crush ka jan! Di ko crush yan no. Maganda sya oo pero suplada naman yan." Pagtanggi ni Diego
"Asus Diego, wag ka nga. Kahit sa kapal ng mga salamin mo kitang kita ko ang pagtitig mo sa kanya sa classroom. At natatahimik ka pag dumadaan sya." Tuloy na panunukso ni Arjay.

"Hwag ka nga magulo. Ang ingay mo may makarinig sayo isipin totoo yang sinasabi mo." Tila pagsuway ni Diego sa pinsan at bff nya.

"Sus kinikilig ka naman. Ligawan mo kasi. Napakatorpe mo paano ka mapapansin ni Crush." Tuloy pa din ang panunukso ni Arjay.
"Sa itsura kong ito baka palapit palang ako pinagtabuyan na ako ng Beauty Queen na yan." Sambit ni Diego na masyadong mababa ang tingin sa sarili.

Sipatin nga natin kung bakit masyadong mababa ang self confidence ni Diego Angelo Laxa. Sa edad na 16 ay sobrang labo na ng mata nya kaya napilitan sya mag suot ng makakapal na eye glasses. Afford naman nya mag contact lens pero mas prefer nya na mag eye glasses. At dahil nga nag bibinata meron din syang teeth braces para magpantay ang kanyang mga ipin. Medyo may kapayatan din sya dahil sa edad nya na 16 ay matangkad sya sa height nya na 5'10. Di naman sya pangit pero dahil sa unang tingin mo ay mukha syang Nerdy na walang makain malamang na di talaga sya mapapansin ng mga dalaga sa St. Benedict lalo na ng isang Kirsten Dominique Tan. Nag iisang anak si Diego ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Masbate. Solong tagapagmana pero di lumaking mayabang o matapobre. Nanatili syang low profile kahit kayang bilhin ng pamilya nya ang buong eskwela.

"Lika uwi na tayo. Tapos na naman at nacheck na naman attendance natin" yaya ni Diego sa pinsang si Arjay.
"Sawa ka na bang titigan si crush at gusto mo na umuwi." Natatawang panunukso pa din ni Arjay.
"Magtigil ka nga!" Pagtanggi pa din ni Diego. Pero sa totoo may paghanga nga syang nararamdaman sa Dalaga.

Nagpatuloy ang High School life ni Diego at Kirsch ng di naman nag sasalubong ang Universe nila.

Tuloy pa din ang pagiging beauty queen ni Kirsch at tuloy naman ang pag excel ni Diego sa academics.

Makalipas ang ilan pang buwan at nagtapos na sila sa High School.
Bilang naka focus talaga si Diego sa pag aaral ay Nagtapos si Diego bilang class Valedictorian. At si Kirsch naman ay nagtapos din naman with special honors.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon