•SARAH•
Tulala akong nakatingin sa kisame. Hinihintay si Yvann na makapasok sa kwarto ko.
Wala akong pakialam sa mga nangyayari, kailangan ko din ng sandalan hindi ko kayang mag isa , hindi ko man nasisigurong totoong totoo sya ay sa susunod ko na iyon pag aabalahan.
' Bakit ba ang TANGA ko? Ako na nga 'tong sinaktan ng pamilya... Patuloy ko pa rin silang nimamahal, iniisip at kung ano pa. '
Ilang segundong pagtitigan ko ay may kumatok at hindi na nagbago ako posisyon kong nakahiga sa kama at nakatalikod sa pinto at nakapulupot na ng kumot ang lahat ng parte ng katawan kundi ang ulo.
Bumukas ito pero hindi ako kumibo at naisipan kong umakting na tulog.
Bumuntong hininga sya at lumapit sa akin at ramdam ko ang pag upo nya sa kama. "Ramdam Kita."
Nanatili akong tahimik. "Ramdam ko ang nararamdaman mo.." pagbibitin nya "sana ay huwag kang magbago kapag nalaman mo ang totoo." Pahina ng pahina ang boses nya kaya hindi pa din ako kumibo at nakinig lang sa kanya. "Ibang klase ka.. Hindi ka tulad sa ibang taong nakilala ko." Mahina pa itong tumawa at bumuntong hininga.
"Magpakatatag ka, huwag mo hayaang ang galit mo ang magpadala sa sistema mo" bahagya syang tumayo tapos ng ilang segundo at pinakiramdaman ko sya.
Dinig ko ang pagsara ng pinto kaya , napabuntong hininga ako at inalis ang kumot at umupo ng maayos. Napalingon ako sa maliit na glass table at naroon ang isang tray na may takip pero itinoon ko ang atensyon ko sa pinto.
' Ano ba ang ibig mong sabihin? '
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko at in-on yun at nakitang andaming miss calls ni Yvann , bumuntong hininga ako at napapikit at agad nagmulat.
Kinain ko nalang ang dinala nya at nagbasa nalang , wala naman akong masyadong magawa. Isang oras ang pinalipas ko at ibinaba ko na ang tray na may pinggan baso at kung ano pa.
Bago paman ako tuluyang makababa ng hagdan ay nakita naman ako ni manang kaya agad ko namang ibinigay sa kanya at nagpasalamat. Nakita ko sila Yviee at Lexi na nakaupo sa sofa sa salas at hinayaan ko nalang papunta na sana pabalik sa ikatlong palapag nang magtama ang paningin namin ni Yvann.
Nasa ikatlong palapag syang nakatingin sa akin , nakasando lang sya ng put at medyo magulo pa ang buhok , blangko ang mukha at nanatiling nakatingin sya sa akin kaya agad akong umakyat pataas at iniiwas ang paningin ko sa kanya.
Nang maka akyat na ako ay muling nagtama ang paningin namin. Itinabingi ko ang ulo ko at itinaas ang kaliwang kilay.
"Okay ka lang ba?" Blangkong ekspresyon ang pinapakita nya pero may halong pag aalala sa boses nya , tumango lang ako at ipinagkrus ko na ang kamay ko at ipinandikwatro ang paa ko at sumandal sa kahoy na railings ng hagdan.
"Tch." Singhal nya at iniwas ang paningin ko. "Ba't hindi ka man lang nagpaalam?" Blangko pa rin ang mukha nya , pero may halo halo paring emosyon.
"Kung anong gusto ko, gagawin ko" sarkastikong tugon ko at saka sya bumuntong hininga. Pinapakalma nya ang sarili niya't halata sya.
"Tsk. Paano kung napano ka?" Mahinahong tanong pa nito at ngumisi naman ako "pero walang nangyari diba?" Sarkastiko ko paring tugon. "Paano nga diba? PAANO?" Pagdidiin nya.
Napaikot ako ng mata at bahagyang tinignan pa ang mga kuko ko. "Nangyari na eh , at ano pa ba ang magagawa mo? Hindi kita ka ano ano." Prangkang usal ko at napahilamos naman sya sa mukha nya.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018