•SARAH•
"SHIIIIIN!"
"TANGINA PRE AYUN SYA OHH!"
"SHIN!"
Tahimik ko lang silang tinitigan.
Talagang ang daming gangsters kumpara noong bagong pasok lang ako , kakaunti at talagang mabibilang ko ang mga tauhan ng Emperor noon.
Sumunod ako sa ama ko at naupo sa private seat ng mga head ng GA. "Good morning fellow gangsters!" Umiba ang boses ng Emperor at nagsigawan bigla ang mga gangsters na naririto.
Tumayo muna ako at dahil ayaw ko sa maingay ay nagtungo ako sa opisina ni Deah , wala namang pumigil sa aking magtungo sa opisina at nang makarating ako ay nakita ko si Deah na nakamaskara , abala sa ginagawa nyang pagbabantay sa mga nasa baba dahil hindi kami ganun kasigurado sa mga gangsters lalo na ang mga teens at high schools hindi namin masisiguro ang kaligtasan nito kung may aatake man.
"Naparito ka Sarah?" Tanong nito at pabagsak kong isinara ang pinto bago nya masabi ang ngalan ko. Hindi ko sya pinansin pero nakikinig pa din ako sa mga sinasabi ng emperor , "As we all know, namatay ang ating Mahal na Empress ang aking asawa dahil lamang sa una una pang lider ng JM." Nangunot ang noo ko , alam ko ang kuwento non pero hindi ko lang sinabi sa emperor sapagkat kulang pa ang aking nalalaman para isabi sa kanya lahat lahat.
"Gusto kong sabihing magsisimula ang pagpalit ng ating pinuno simula sa susunod na buwan." Ang emperor.
Nilingon ko si Yvann na syang panay tingin sa opisina ni Deah kung saan batid kong ako ang hinahanap nya.
Muli kong itinuon ang paningin sa mga taong naririto. "We'll be competing some groups of girls to be it's empress since my son will be the next Emperor." Ipinakita pa ni Mr. Ceñez si Yvann na hindi man lang tumayo o ano.
Hindi nila kilala si Yvann pero nagsisigawan sila dahil sa angas din ni Yvann. "Code name would be Drix" Ang emperor mismo ang gumagawa ng codenames namin.
Natawa pa ako dahil bumagsak ang balikat nya , "I'll get going." Sabi ko kay Deah at lumabas ng opisina nya. Tumalon ako sa taas which is overpass patungo sa mga matataas na bleachers , swabe akong nakatapak sa mismong gitna ng overpass na iyon at tumingin pababa.
Nakatingin kay Yvann na ngayon ay nakatingala sa akin, ngumisi ako at naglakad patungo sa bleachers para doon mag isang umupo , madami na ding nasabi ang emperor ngunit wala akong anumang naririnig sapagkat naglalayag ang isip ko sa mga bagay bagay.
30 minutes bago kami lahat nagsitambayan na sa lugar na ito. May underground arena dito , dahil Kung nasaan kami kanina ay nasa entablado iyon at malaki ang pwestong mauupuan ng mga kapwa ka gangsters.
Nasa opisina kami ngayon ng emperor , magkatabi kami ni dad. At magkatabi naman ang mag-amang Ceñez , ang mga kaibigan ni Yvann ay katabi nya lang. Habang sina Zyril at Jullian naman ay katabi ko. "So we're planning why not the three of you join the battle?" Ang emperor tinutukoy kaming tatlo nina Zyril at Jullian. "But , I think it'd be more fun if you will meet someone new to your group. At lalo't magkakilala lang sila ni Jonathan." Nagkatinginan naman sila nina Yvann at mga kaibigan nya. "Jonathan? As in Collins?" Tanong ni Rex at tumango naman si Mr Ceñez , "I haven't seen him in ages" si Greg na syang walang kaemo-emosyong sinabi iyon. "Well you'll be seeing him soon" anang emperor.
"But , I think that's all we'll have to say for this day. We will be back with our businesses." Tumango kami.
Nilingon ko si dad na pansin kong kanina lang nakatitig sa akin. "Can we have a serious conversation later on , Sarah?" Bumuntong-hininga ako. Tumango , "It'll be dinner." Hindi ko sya pinansin bilang sang-ayon.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfic"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018